• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Former Pres. Arroyo nagbigay pugay sa pumanaw na si Lydia de Vega

NAGPAABOT nang pakikiramay si dating Pangulong at ngayon ay Pampanga 2nd District representative at Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa pamilya ng yumaong Filipina track and field legend Lydia de Vega.

 

 

Inilarawan ng dating pangulo na isang malaking kawalan sa bansa ang pagpanaw ng tinaguriang ” fastest woman in Asia” dahil sa inangat nito ang Philippine sport sa world map at nagbigay ng maraming karangalan sa ating bansa.

 

 

Umaasa rin si Arroyo na ang tagumpay ni De Vega ay magsilbing inspirasyon sa mas marami pang Pilipino sa larangan ng sports.

 

 

Una nang inanunsiyo ng anak ni De Vega ang pagpanaw ng Philippine sports icon at track and Asian field star dahil sa komplikasyon mula sa breast cancer.

Other News
  • Utang ng Pilipinas nakapagtala ng bagong record na umabot sa P12.6T

    MAS lumawak pa ang utang ng gobyerno ng Pilipinas kung kaya ay nakapagtala na naman ito ng bagong record-high noong katapusan ng Marso.     Ito ay sa gitna ng patuloy na pagsisikap na makahiram upang palakasin pa ang kaban ng estado para sa mga gagawing hakbang sa pagbawi ng COVID-19 kasama ng mas mahinang […]

  • PBBM, hindi kasama at hindi kailanman nakasama sa drug watch list- PDEA

    MARIING itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa watchlist nito para sa mga taong sangkot sa illegal drug use kontra sa akusasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.     “Based on all the foregoing facts, the PDEA asserts that President Marcos Jr. is not and was […]

  • Alden, wish na makahanap na ng mag-aalaga sa kanya

    ANG makahanap ng may mag-aalaga naman sa kanya ang isa sa nilu-look forward na talaga ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa pagpasok ng bagong dekada ng career niya.         “May nag-aalaga naman sa akin, of course, pero siyempre, iba yung personal talaga, yun po, yun naman siguro ang magiging priority ko […]