Frankie, nag-apologize matapos batikusin ni Markki
- Published on January 9, 2021
- by @peoplesbalita
NAG-APOLOGIZE si Frankie Pangilinan matapos na batikusin ng actor-singer na si Markki Stroem ang kanyang shared post na naglalaman ng pangalan ng mga suspects sa kontrobersyal na kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Dahil sa nai-tweet ni Frankie kaya hindi napigilang mag-react si Markki na kung saan kasama sa listahan ang mga kaibigan niya.
Reply niya kay Kakie, “I have friends on this list who did not deserve this public shaming. I rarely tweet. Take this down and apologize.”
Kaya naman agad na nag-apologize ang daughter nina Megastar Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan sa nai-share na listahan at sinigurong na-delete na.
Post ni Frankie, “Really sorry, I was under the impression I’d taken down my quote tweet already. deleted now for sure. it wasn’t my post to begin with and I just spread what I thought to be verified information since the conversation was being amplified repeatedly on my timeline.”
Naiintindihan naman ni Markki ang ipinaglalaban ni Frankie lalo na sa usaping ‘rape’ na kung saan patuloy siyang nabibiktima ng ‘rape joke’.
“Tbh, thats all that was needed, removing the list from your platform of influence. I appreciate your valiant flight against rape culture, yet there is another war that is far from over. Homophobia. A boy had to come out on national TV before he was ready,” pahayag pa ng actor-singer.
Inulan naman ng pamba-bash ng netizens si Frankie at sinasabing mali talaga ang ginawa niya at si Markki lang daw pala ang kanyang katapat.
May mga nagtanggol din kay Kakie dahil mas malaki ang kasalanan ng PNP sa pagpapakalat ng maling impormasyon, na dapat ding mag-apologize.
Narito ang ilang comment ng netizens:
“Nakahanap kayo ng ibabash sa kanya eh sa PNP mismo nanggaling. So wag na lang tayo maniwala sa kahit na anong crime kahit “at-large” ang suspects at kailangan mahanap dahil baka mali? Dapat ang wrath niyo sa PNP. Frankie used her influence to find the suspected rapists/murderers as per PNP. Pero dahil incompetent ang PNP, ganito ang resulta. Ang importante nag apologize.”
“Lesson learned Kakie. Ang angas ng tweet mo pero mali naman. You take responsibilty for your tweet. Kahit retweet lang yan.”
“Lahat na lang kasi may masasabi. Ginawa ng diary ang twitter. Try mo rin minsan Kakie to choose your battle, di yung lahat na lang may say ka.”
“Hindi lang siya. Actually marami silang influencers na nagpakalat ng photos nung mga accused without any details aside from speculations and accusations. Sila pa naman yung akala ng marami na responsible because they are against EJK, police brutality, rape culture, victim blaming, etc. May this serve as a lesson to these people. And let’s continue fighting the real enemy.”
“Mas malaki kasalanan ng PNP dito. Yung mga nag post ng suspects kasi sabi nga “at large” that means may urgency na dapat mahanap. Idk bakit sobrang bash mga tao dito kay Frankie. It’s the PNP’s fault. Ang importante nag clear up tong mga influencers. I hope ganyan rin kayo kagalit sa PNP na hanggang ngayon walang apology.”
“Di ba abogado ang tatay nya? How come di sya napapangaralan pagdating sa pagkakalat ng maselang impormasyon? Pero kahit ordinaryong tao na logical mag-isip, alam na hindi dapat kinakaladkad ang mga pangalan ng mga taong di pa naman napapatunayan na may sala nga.”
“ARE YOU GUYS SERIOUS??? Si Kakie pa talaga ang mali? Ang PNP, ako masasabi nyo sa kanila? Di ba sila ang nagpakalat nyan? Dapat nga sila ang inaatake kasi sila dapat ang mapagkakatiwalaan. Ang news source nyo ba artista? Basta galit kayo sa tao, sige lang. Pero sa gobyerno and pulis na Super palpak, walang pakialam? Ewan ko sa inyo.” (ROHN ROMULO)
-
Magaling na sa naging injury sa shooting: Sen. BONG, balik-aksyon na sa kanyang sitcom sa GMA
BALIK-AKSYON na naman muli si Sen. Bong Revilla. Kumbaga pagkatapos ng nangyaring injury sa kanya sa shooting ng supposed to be entry niya sa 50th Metro Manila Film Festival na “Alyas Pogi” ay kayang-kaya na niyang mag-aksyon muli. Ayon pa kay katotong Gorgy Rula ay nakatakdang magsimula ang season 3 ng […]
-
2k baboy mula sa South Cotabato nasa Vitas, Tondo na
INANUNSYO ng Malakanyang ang pagdating 2,000 baboy mula sa South Cotabato kung saan ito ngayon ay nasa Vitas, Tondo. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay iparating sa iba’t ibang palengke sa Metro Manila ang nasabing baboy dahil ito ay kabahagi ng mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para maibsan ang kakulangan […]
-
Panlilio, Canlas suportado si Tolentino
SUPORTADO nina Samahang Basketbol ng Pilipinas head Al Panlilio at surfing federation chief Dr. Jose Raul Canlas ang liderato ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino. NIlinaw ng dalawa na bahagi sila ng tiket ni Tolentino para sa nalalapit na POC elections. Tatakbo si Panlilio bilang first vice president […]