Fuel subsidy para sa mga magsasaka, mangingisda maaaring ipalabas na
- Published on March 8, 2022
- by @peoplesbalita
MAAARING ipamahagi ng Department of Agriculture (DA) ang fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda sa huling linggo ng Marso o unang bahagi ng Abril.
Sinabi ni Agricuture Assistant Secretary Noel Reyes, ang 162,000 corn farmers at fishers ang makikinabang mula sa ₱500-million subsidy. Ang bawat benepisaryo ay makatatanggap ng ₱ 3,000 at ito ay ipamamahagi sa pamamagitan ng debit card.
Ang pahayag na ito ng DA ay bilang tugon sa inaasahang mangyayaring “big-time fuel price hike” sa darating na linggo.
Sinabi kasi ng Unioil Petroleum Philippines na ang presyo ng diesel ay maaaring tumaas ng ₱5.40 hanggang ₱5.50 kada litro at presyo naman ng gasolina ay maaaring tumaas ng ₱3.40 hanggang ₱3.50 kada litro mula Marso 8 hanggang 14.
Nauna rito, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na ang guidelines para sa distribusyon ng fuel subsidy ay nakahanda na subalit hindi pa maipamamahagi ang pondo para rito.
“Itong pamimigay ng fuel subsidy ay may trigger mechanism bago ibigay, dapat ma-reach ‘yung gasoline price na $80 per barrel. Wala pa tayo diyan,” ayon kay Dar.
Samantala, tiniyak naman ng Department of Energy na ang armed conflict sa pagitan ng Ukraine at Russia ay walang direktang epekto sa bansa.
-
Lim, Petecio nagkodakan sa ‘Calambubble’ training
HALOS mangalabaw ang mga kampeon sa kani-kanilang combat sports na sina Jamie Christine Lim at Nesthy Petecio sa pagti-training sa Inspire Sports Academy bubble (Calambubble) sa Calamba City, Laguna sapul pa nitong Enero 15. Nagkita rin ang landas ng parehong 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 gold medalists at mga naghahabol na makalahok […]
-
Ads July 14, 2022
-
LOVI, sa La Union nag-Holy Week at inabutan na ng ECQ; ex-bf na si ROCCO muling nakasama sa serye
SA La Union nagbakasyon noong Holy Week si Kapuso actress Lovi Poe at doon na siya inabutan ng ECQ (Enhanced Community Quarantine), pagkatapos mag-taping ng kanilang Primetime series na Owe My Love ng GMA Public Affairs. Walang binanggit si Lovi kung may kasama siyang nagbakasyon sa La Union. Naka-post lamang sa kanyang Instagram na […]