• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lim, Petecio nagkodakan sa ‘Calambubble’ training

HALOS mangalabaw ang mga kampeon sa kani-kanilang combat sports na sina Jamie Christine Lim at Nesthy Petecio sa pagti-training sa Inspire Sports Academy bubble (Calambubble) sa Calamba City, Laguna sapul pa nitong Enero 15.

 

 

Nagkita rin ang landas ng parehong 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 gold medalists at mga naghahabol na makalahok sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang sa parating na Hulyo-Agosto 8 sanhi ng COVID-19.

 

 

“After kong mag-massage, si idol naman sunod. @jamiechristinelim thanks sa picture idol, pinagbigyan mo ako,” pahayag nitong isang araw ng 11th International Boxing Association (AIBA) Women’s World Boxing Championships 2019 Ulan-Ude, Russia gold medal winner na si Petecio, 28, sa kanyang Instagram account.

 

 

Sasabak ang 28 taong-gulang, may taas na 5-2 at isinilang sa Santa Cruz, Davao del Sur na boksingera sa huling Olympic Qualififying Tournament psa Paris, France sa Mayo.

 

 

Toka naman ang 23-anyos na karateka na si Lim sa nabanggit ding lugar sa papasok ding Hunyo. Siya ay anak ni Philippine Basketball Association (PBA) legend Avelino ‘Samboy’ Lim, Jr. na kilala ring ‘Skywalker’. (REC )

Other News
  • “BLACK ADAM” SOARS WITH A BIG HEART, DARK HUMOR, BAD-ASS ACTION

    IN “Black Adam,” global icon Dwayne Johnson stars in the title role as the DC universe’s fan-favorite antihero, bringing his compelling origin story to the big screen for the first time.     [Watch the film’s newest trailer at https://youtu.be/MgSTfFxO88o]     Johnson, who also produced the film via his Seven Bucks banner, has tackled roles […]

  • Rice traders, makikipagtulungan sa gobyerno sa pagbibigay ng abot-kayang bigas

    MAKIKIPAGTULUNGAN ang Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) sa gobyerno sa pagbibigay at pagbili ng abot-kayang bigas para sa mga mamimili.     Sinabi ni PRISM lead convenor Rowena Sadicon na nakikipagtulungan sila ngayon sa Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) kung paano masusuportahan ng grupo ang Executive Order 39 […]

  • LRTA: Fare hike di minamadali

    WALA sa plano ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na madaliin ang pagpayag na magkaroon ng pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit Lines 1 & 2.     “The fare hike request must go through the regulatory process such as public consultations. Thus, there is no rush the approval of a petition for fare […]