Fuel subsidy sa trike drivers, pabibilisin – DOTr
- Published on December 14, 2022
- by @peoplesbalita
PABIBILISIN ng Department of Transportation (DOTr) ang pamamahagi ng fuel subsidy sa libu-libong tricycle drivers na hindi pa natatanggap ang bahagi nila sa P2.5 bilyon na inilaan ng pamahalaan.
Ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano, pinag-usapan nila ni DOTr Sec. Jaime Bautista kung paano mapapabilis ang pamamahagi ng subsidy dahil hirap na hirap na ang mga tricycle driver bunsod ng mataas na presyo ng gasolina, inflation, at ang pandemya na nakaapekto sa kanilang kabuhayan.
Sa nasabing pulong umano ay pumayag si Bautista na idaan ang subsidy sa local government units (LGUs) dahil may kakayahan itong ipamahagi ang cash assistance.
May listahan din umano ang mga LGU ng mga tricycle driver sa kani-kanilang lugar.
Hinikayat din Cayetano si Bautista na gamitin ang pagiging dating private sector executive para baguhin at ayusin ang DOTr nang sa gayon ay makinabang ang transport sector at gumanda ang transportation system ng bansa.
-
Gilas todo kayod na sa ensayo
PUKPUKAN na sa ensayo ang Gilas Pilipinas para paghandaan ang first window ng FIBA World Cup Qualifiers na papalo sa Pebrero 24 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum. Kasama na ng Gilas Pilipinas pool ang mga players ng Talk ’N Text Tropang Giga matapos ang mga laro nito sa PBA Season 46 Govenors’ […]
-
Lalaking nagbabanta at nangingikil sa mga driver sa Malabon, kalaboso sa baril
NAGWAKAS na ang maliligayang araw ng 55-anyos na lalaki na nagbabanta at nangingikil umano sa mga driver matapos maaresto ng mga pulis makaraang makuhanan ng baril sa Malabon City. Kinilala ni Malabon police chief Col. Amante Daro ang naarestong suspek bilang si January Raymond Flores, 55, parking attendant, at residente Barangay San Agustin. […]
-
Le Col Challenge