• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Full distance learning di na puwede sa 2nd semester -Commission on Higher Education

HINDI  na umano papayagan ang mga colleges at universities na magpatupad ng implementasyon ng distance learning simula sa second semester ng Academic Year 2022-2023.

 

 

Ito ang nakapaloob na order mula sa Commission on Higher Education (CHED) na pirmado ng chairman na si Prospero de Vera.

 

 

Sa ilalim ng CHEd Memorandum Order No. 16 na may petsa nitong nakalipas na araw, ang mga higher education institutions (HEIs) ay papayagan lamang sa kanilang degree programs sa pamamagitan ng full in-person classes o hybrid learning.

 

 

Nilinaw pa sa direktiba na magkakaroon lamang ng full distance learning delivery, kasama na ang fully online modality sa mga higher education institutions kung may approval mula sa Commission on Higher Education.

 

 

Ayon pa sa CHEd ang naturang mga higher institution na magpapatupad naman ng degree programs sa pamamagitan hybrid learning ay kailangang maglaan ng “50 percent ng total contact time” para naman onsite learning o kaya in-person classes.

 

 

Inihalimbawa pa sa panuntunan sa mga kolehiyo na sa isang three-unit course na kailangan ang 54 contact hours, ang 27 hours ay dapat iukol sa physical learning facility tulad sa classroom, laboratory at iba pang related learning spaces.

 

 

Ang natitira namang oras na contact time ay maari naman sa pamamagitan ng distance learning modalities tulad ng “self-paced printed o online learning modules, synchornous/ asynchronous learning sessions, atremote guided peer learning approaches.”

 

 

Nilinaw din ng CHED na ang mga laboratory o shop courses na merong on-the-job training (OJT) at merong apprenticeship programs ay dapat na rin daw sa pamamagitan ng onsite learning experiences sa pagsapit sa second semester.

 

 

Kung maalala ang in-person classes ay ipinagbawal simula noong unang bahagi ng 2020 dahil pa rin sa COVID-19 kaya isinagawa ang remote learning.

 

 

Noong nakalipas namang taon ang mga colleges at universities ay unti-unti ng nag-resume tungo sa traditional classroom setup. (Daris Jose)

Other News
  • Ads April 7, 2022

  • Ngayong Semana Santa: PBBM, hinikayat ang mga katolikong bansa na maging “better agents of change”

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ang mga Katolikong bansa na maging “better agents of change” sa pamamamagitan ng pagkilala pa sa mahal na Poong Hesukristo sa panahon ng paggunita ng Mahal na Araw.  Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nito na bagama’t ito’y mahirap na maunawaan, ang mensahe ng kaligtasan at buhay na walang […]

  • Bulacan, tumanggap ng P175M na ayuda mula sa DA para sa binhi at pataba

    LUNGSOD NG MALOLOS– Inihatid ni Kalihim William D. Dar ang sertipiko ng tulong pinansyal para sa binhi at pataba na nagkakahalaga ng P175,923,000 sa lalawigan ng Bulacan sa isinagawang Rapid Damage Assessment on Agriculture and Fisheries na dulot ng Bagyong Ulysses sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito.   Ito […]