Functions ng bagong tatag na presidential chief of staff, inilatag ng Malacanang
- Published on September 21, 2022
- by @peoplesbalita
INISA-ISA ng Office of the Press Secretary ang mga tungkulin ng bagong tatag na Office of the Presidential Chief of Staff (OPCOSS), kung saan itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Victor Rodriguez, matapos nitong magbitiw bilang executive secretary nitong weekend.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang presidential chief of staff ay direktang mapasasailalim sa supervision ng presidente.
Pero, binigyang diin ni Angeles na ang draft special order na humihiling ng dagdag na functions ng presidential chief of staff ay ibinasura ni Pangulong Marcos base na rin sa rekomendasyon ng kaniyang Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.
Ayon kay Angeles, nakasaad sa administrative order number 1 na ang Office of the Presidential Chief of Staff ay may pangunahing tungkulin na pangasiwaan at tiyakin ang mahusay at tuloy-tuloy na pang-araw-araw na operational support sa pampanguluhang pwesto upang makatutok ang presidente sa strategic national concerns.
Sinabi pa ni Angeles, ang administrative order na lumilikha sa presidential chief of staff ay may katulad na ranggo ng cabinet secretary.
Batay din aniya sa administrative order, ang presidential chief of staff ay tutulungan ng isang senior deputy chief of staff na may ranggong secretary at dalawang deputy chiefs of staff na may ranggong undersecretary, assistant secretaries, at ilang directorial at iba pang administrative staff kung kinakailangan.
Ang immediate staff ng presidential chief of staff ay huhugutin mula sa una nang binuwag na mga ahensiya tulad ng Office of the Cabinet Secretary at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).
Sa kabuuan ang nasabing tanggapan ay magsisilbing coordination mechanism ng Office of the President.
Ito ang mangangasiwa sa security monitoring na responsible sa pagbibigay ng regular na situation reports sa presidente sa real-time basis.
Ayon pa kay Angeles, ang naturang opisina ay magsu-supervise at mahigpit na makikipag-ugnayan sa Presidential Management Staff bilang pangunahing government agency na direktang responsable sa pagbibigay ng mahahalagang staff assistance sa presidential exercise ng over all management ng development process.
Makikipag-ugnayan din aniya ang presidential chief of staff sa presidential advisers and assistants na ang trabaho ay isusumite sa pangulo sa pamamagitan ng bagong ahensya at copy furnished ng executive secretary.
Una na ring sinabi ni Angeles na dahil nagbitiw na si Atty. Rodriguez bilang executive secretary, bakante pa ito ngayon, bagaman may mga pangalan na aniyang ikinokonsidera sa pwesto, pero sumasailalim pa sa vetting process ng Office of the President.
-
BINATA NAGBIGTI SA ILALIM NG TULAY
ISANG 21-anyos na binata ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa ilalim ng tulay makaraang iwanan umano ng kanyang girlfriend sa Malabon city. Kinilala ang biktima na si Sonny Boy Castillo, 21, ng 142 Azucena St. Merville Tanza, Navotas city. Sa report nina police investigators PSSg Jeric Tindugan at PCpl Renz Marlon […]
-
PBBM, binisita ang mga pamilyang lumikas sa Barangay Malanday Evacuation Center sa Valenzuela City
BINISITA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga pamilyang lumikas sa Barangay Malanday Evacuation Center sa Valenzuela City dahil sa bahang idinulot ng habagat at bagyong Carina. Pinangunahan din ni PBBM ang pamamahagi ng suporta ng pamahalaan sa mga nasalanta.
-
Kai Sotto maraming bubutataan sa NBA
Lalong dumami ang humanga sa higanteng si Kai Sotto sa ipinakita nitong mataas na vertical leap na 11.5” o lundag na halos 12 feet. Lalong pinataas ng 18-year-old Sotto ang kanyang kalidad bilang manlalaro matapos ibalandra sa social media ang ipinagmamalaking mataas na lundag. Sa video na ipinost nito sa Instagram, makikitang bumwelo si Sotto bago lumundag […]