Fury sabik ng makaharap si Wilder sa ikatlong pagkakataon
- Published on October 9, 2021
- by @peoplesbalita
Tiniyak ni British boxer Tyson Fury na kaniyang pahihirapan ang American boxer na si Deontay Wilder sa kanilang paghaharap para sa heavyweight fight sa Oktubre 10 sa Las Vegas.
Dagdag pa ng 33-anyos na si Fury, uulitin niya ang diskarte nito noong ikalawang paghaharap nila noong Pebrero 2020 na nagresulta sa pagkatumba nito sa ikatlo at ikalimang rounds.
Sa unang paghaharap kasi ng dalawa noong Disyembre 2018 ay nagtapos sa split draw ang laban.
Mayroong 30 panalo-walang talo at 1 draw na may 21 knockouts si Fury, habang mayroong record na 42 panalo, isang talo at isang draw na mayroong 41 KOs si Wilder.
-
Valenzuela, DA pinangunahan ang pagbubukas ng AMVA Kadiwa Store
PORMAL na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian at ng Department of Agriculture (DA) sa pangunguna ni Assistant Secretary Christine Evangelista ang Kadiwa Store ng Alyansa ng mga Mamamayan ng Valenzuela (AMVA) Multipurpose Cooperative sa Barangay Ugong. Ang Kadiwa Store ng AMVA Multipurpose Cooperative ay nabuo sa […]
-
PBBM, ipinag-utos ang mahigpit na pagmo-monitor ng food stamp anti-hunger program
INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Statistics Authority (PSA) na i- monitor ang progreso ng “Walang Gutom 2027: Food Provision sa pamamagitan ng Strategic Transfer and Alternative Measures Program (Food Stamp)”program. Ito ay isa sa flagship program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naglalayong bawasan ang […]
-
Death penalty bills, sinimulan nang talakayin ng Kamara kasunod ng apela ni Duterte
Sinimulan nang talakayin ng House Committee on Justice ang nakabinbin na 12 panukala na naglalayong ibalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan. Ito ay matapos na umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang kapulungan ng Kongreso sa ikalimang SONA nito na asikasuhin ang mga panukalang batas para sa reimposition ng death penalty para sa mga […]