• April 8, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Future elections sa bansa, hindi masisira ng karahasan

UMAASA ang Malakanyang na ang future elections sa bansa ay hindi masisira ng karahasan.

 

Kasalukuyang hinihintay ng Malakanyang at ng buong mundo kung sino kina incumbent US President Donald Trump at Democratic challenger Joe Biden ang mananalo sa White House.

 

“Sana po matutunan din natin na magkaroon ng eleksyon na walang nasasaktan, walang namamatay bagama’t parang natuto naman po ang mga Amerikano doon sa allegation ng fraud,”ayon kay Sec. Roque.

 

“Sana po sa eleksyon natin ganoon din na mapayapa at mahinahon ang lahat,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sinabi ni Sec. Roque na nagiging pangkaraniwan na kasi para sa election-related violence na mangyari bago, habang at pagkatapos ng halalan sa bansa sa kabila ng ipinatutupad na months-long gun ban.

 

Mayroon din aniyang alegasyon ng panloloko.

 

Ang susunod na general elections ay idaraos sa May 2022.

 

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na walang magbabago at mananatili ang bilateral relations ng Pilipinas at Estados Unidos sinuman kina re-electionist US president Donald Trump at dating Vice President Joe Biden ang manalo sa ginaganap ngayong presidential election.

 

Ani Sec. Roque, sinuman ang tanghaling Presidente ng Amerika matapos ang resulta ng halalan ay mananatiling mainit ang relasyon sa pagitan ng US at ng Pilipinas.

 

At kung sakali naman aniya na si Biden ang lumusot sa US presidential elections ay naka-handa aniya si Pangulong Duterte na makabuo ng pagkakaibigan dito.

 

Ang makabubuti aniya ngayon ay hintayin ang resulta ng ikinakasang eleksiyon sa Amerika na inaabangan ng buong mundo.

 

Mensahe na lang ng Malacañang kina Trump at Biden, “may the best man win.” (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • PNP hinikayat na magsagawa ng mental fitness sa mga recruits

    HINIKAYAT ng mga mambabatas ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng mental fitness check sa mga personnel nito kasunod na rin sa ipinakitang galit ng isang pulis nito kaugnay sa pagkaka-aresto ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte. Umapela rin sina House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong, chairman ng Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation […]

  • PATAFA ‘di muna sisibakin si EJ sa national team

    Pinakinggan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang kahilingan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Malacañang para maresolbahan ang kanilang isyu kay national pole vaulter Ernest John Obiena.     Sa kanyang sulat kay PSC chief William ‘Butch’ Ramirez ay sinabi ni PATAFA chairman Rufus Rodriguez na ipagpapaliban nila ang pagsibak kay […]

  • Giannis nagbuhos ng 50-pts. sa pagkampeon ng Bucks after 50-yrs.

    Sa wakas kinoronahan na rin ang Milwaukee Bucks bilang NBA world champions makaraang tinapos na rin nila Finals series sa Game 6 laban sa mahigpit na karibal na Phoenix Suns sa score na 105-98.     Nagtapos ang serye sa 4-2.     Inabot din ng 50 taon bago muling nakatikim ng kampeonato ang Bucks […]