• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Future elections sa bansa, hindi masisira ng karahasan

UMAASA ang Malakanyang na ang future elections sa bansa ay hindi masisira ng karahasan.

 

Kasalukuyang hinihintay ng Malakanyang at ng buong mundo kung sino kina incumbent US President Donald Trump at Democratic challenger Joe Biden ang mananalo sa White House.

 

“Sana po matutunan din natin na magkaroon ng eleksyon na walang nasasaktan, walang namamatay bagama’t parang natuto naman po ang mga Amerikano doon sa allegation ng fraud,”ayon kay Sec. Roque.

 

“Sana po sa eleksyon natin ganoon din na mapayapa at mahinahon ang lahat,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sinabi ni Sec. Roque na nagiging pangkaraniwan na kasi para sa election-related violence na mangyari bago, habang at pagkatapos ng halalan sa bansa sa kabila ng ipinatutupad na months-long gun ban.

 

Mayroon din aniyang alegasyon ng panloloko.

 

Ang susunod na general elections ay idaraos sa May 2022.

 

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na walang magbabago at mananatili ang bilateral relations ng Pilipinas at Estados Unidos sinuman kina re-electionist US president Donald Trump at dating Vice President Joe Biden ang manalo sa ginaganap ngayong presidential election.

 

Ani Sec. Roque, sinuman ang tanghaling Presidente ng Amerika matapos ang resulta ng halalan ay mananatiling mainit ang relasyon sa pagitan ng US at ng Pilipinas.

 

At kung sakali naman aniya na si Biden ang lumusot sa US presidential elections ay naka-handa aniya si Pangulong Duterte na makabuo ng pagkakaibigan dito.

 

Ang makabubuti aniya ngayon ay hintayin ang resulta ng ikinakasang eleksiyon sa Amerika na inaabangan ng buong mundo.

 

Mensahe na lang ng Malacañang kina Trump at Biden, “may the best man win.” (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Layuning turuan at itaas ang kamalayan ng publiko: BARBIE, kasama na sa “Stream Responsibly. Fight Piracy.” campaign

    OPISYAL nanumpa si Maria Clara at Ibarra lead star and Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza bilang isa sa mga ambassadors ng GMA Network para sa Anti-Piracy campaign “Stream Responsibly. Fight Piracy.” “It is such a responsible campaign to be part of. Being an artist myself, it is important to have and to be part of campaigns like this. […]

  • Halos 700 mga private schools, sarado muna ngayong school year -DepEd

    Umaasa ang Department of Education (DepEd) na magiging pansamantala lamang ang pagsuspinde muna ng nasa halos 700 mga pribadong paaralan sa buong bansa sa kanilang operasyon ngayong school year.   Ayon kay DepEd Usec. Jesus Mateo, nasa 676 ang mga private schools ang nagsabi na raw sa kanila na hindi raw muna sila magbubukas ngayong […]

  • Malapitan, nagunguna sa SWS survey sa Caloocan

    NANGUNGUNA si incumbent Caloocan Mayor Along Malapitan sa listahan ng mga mamamayan ng Caloocan City bilang kanilang alkalde.   Sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) pagkatapos ng paghahain ng kandidatura ng mga nais tumakbo sa lokal na halalan nitong Oktubre, 81% ng mga botante ng Caloocan ang nais pa ring magpatuloy si […]