Gaballo bagong WBC bantam interim champ
- Published on December 24, 2020
- by @peoplesbalita
PASIKLAB uli si dating interim World Boxing Association (WBA) bantamweight champion Reymart Gaballo nang sorpresang alpasan si Emmanuel Rodriguez ng Puerto via split decision para iuwi sa Pilipinas ang World Boxing Council (WBC) bantamweight interim title sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut, USA nitong Sabado (Linggo sa oras sa Maynila).
Kinopo ng 24-anyos, 5-6 ang taas, tubong Polomolok, Cotabato del Sur pero residente na ng Gen. Santos City (dating Dadiangas) ang dalawa sa tatlong score cards ng mga hurado sa loob ng 12 rounds, 115-113, 116-112, habang isa lang ang napunta sa kalaban, 118-110.
Huling minutong kapalitan lang si Gaballo sa kababayang nakabase sa Estados Unidos na si Nonito Donaire na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 bago ang bakbakan.
Nagnegatibo man na siya sa tatlong huling test results, inayawan na siya ng mga fight organizer at kinasa ang bigwasan nina Gaballo at Rodriguez.
Umangat ang pro ring record ni `Assasin’ Gaballo sa 24-0 win-loss samantalang laglag sa 19-2 ang Puerto Rican. (REC)
-
HEART, nagpainit sa social media nang i-upload ang branded one piece bikini na worth P40K
BUKOD sa nalalapit na lock-in taping ni Heart Evangelista ng GMA upcoming fashion-romantic-comedy series na I Left My Heart in Sorsogon, ay busy rin siya sa pagpapatayo ng sarili niyang beauty company. Ipinaalam niya ito sa kanyang mga fans and followers sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. May mga nagtanong kay Heart na mga […]
-
Presidential envoy nagpaliwanag: Picture ni Cassandra Li Ong kasama ang First Couple
ITINANGGI ng presidential special envoy to China ang ‘malapit na ugnayan’ sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at Cassandra Li Ong, na iniuugay sa illegal POGO hub sa Porac, Pampanga. Ang pagpapabula ni Presidential special envoy to China for Trade, Tourism and Investment Benito Techico ay matapos na ipalabas […]
-
Ads December 28, 2022