Gaballo bagong WBC bantam interim champ
- Published on December 24, 2020
- by @peoplesbalita
PASIKLAB uli si dating interim World Boxing Association (WBA) bantamweight champion Reymart Gaballo nang sorpresang alpasan si Emmanuel Rodriguez ng Puerto via split decision para iuwi sa Pilipinas ang World Boxing Council (WBC) bantamweight interim title sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut, USA nitong Sabado (Linggo sa oras sa Maynila).
Kinopo ng 24-anyos, 5-6 ang taas, tubong Polomolok, Cotabato del Sur pero residente na ng Gen. Santos City (dating Dadiangas) ang dalawa sa tatlong score cards ng mga hurado sa loob ng 12 rounds, 115-113, 116-112, habang isa lang ang napunta sa kalaban, 118-110.
Huling minutong kapalitan lang si Gaballo sa kababayang nakabase sa Estados Unidos na si Nonito Donaire na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 bago ang bakbakan.
Nagnegatibo man na siya sa tatlong huling test results, inayawan na siya ng mga fight organizer at kinasa ang bigwasan nina Gaballo at Rodriguez.
Umangat ang pro ring record ni `Assasin’ Gaballo sa 24-0 win-loss samantalang laglag sa 19-2 ang Puerto Rican. (REC)