• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GABBI, ipinamalas ang husay sa pagiging licensed scuba diver

MAY pandemic man, hindi ito naging hadlang para makatanggap ng sunud-sunod na blessings sa career at personal life si Kapuso Global Endorser Gabbi Garcia.

 

Blessed talaga si Gabbi dahil bukod sa endorsements na nakukuha ay lalong tumatatag ang kanyang relasyon kay Khalil Ramos.

 

Kaya ba blooming na bloom- ing ang aura ni Gabbi kapag napapanood siya nang live sa All-Out Sundays at sa kanyang mga photos at YouTube vlog?

 

Kamakailan lang din ay ipinamalas ni Gabbi ang husay sa pagiging isang licensed scuba diver sa naging date nila ni Khalil sa Dive & Trek Resort sa Balayan Bay sa Bauan, Batangas. Tinuruan ni Gabbi si Khalil sa basics ng pagda- dive, kasama ang ilan pa nilang mga kaibigan.

 

Ten years old pa lamang pala si Gabbi ay naging licensed scuba diver na siya, pero may inamin din siya tuwing mag-i- scuba diving siya.

 

“I’ve been a licensed Scuba Diver since 2010, but every dive still gives me goosebumps. Marine life is so PRECIOUS,” sabi ni Gabbi. “I’m also happy that @khalilramos and my friends had their very first intro dive!”

 

Masaya si Gabbi dahil ngayon ay pwede na muling magbiyahe sa ilang lugar sa bansa, pero sinusunod daw nila ang mga health protocols bilang pag-iingat na rin niya sa sarili at sa mga kasama niya.

 

Patuloy pa ring napapanood si Gabby sa rerun ng Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad at sa Sunday noontime show na All-Out Sundays. (Nora V. Calderon)

Other News
  • House-to-house COVID vaccination, OK sa Metro M’la mayors– Olivarez

    Gagawing house-to-house ang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccination sa Metro Manila sa darating na 14-day enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).     Ayon sa Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, handa silang ipatupad ang ECQ kung ito ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the […]

  • PDU3O, nakiisa sa mga Kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Ramadan ngayong buwan

    “In the name of Allah, the Most Gracious, the Most Merciful, may peace, mercy and blessings be upon you all on the holy month of Ramadan”     Ito ang naging pagbati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga kapatid na Muslim na nagsimula nang magdiwang ngayon ng banal na buwan ng Ramadan.     […]

  • Panawagang tambalang Duterte-Duterte sa 2022 presidential election, hindi galing sa gobyerno-Sec.Roque

    HINDI nanggaling sa administrasyong Duterte ang panawagan na Duterte-Duterte tandem sa 2022 presidential polls.   Lumutang kasi ang ticket na Davao City Mayor Sara Duterte para sa pagka-pangulo habang ang kanyang ama naman na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, bilang kanyang running mate.   “Hindi po galing sa gobyerno yang Duterte-Duterte,” pagtiyak ni Sec. Roque. […]