Gabby Lopez nag-resign na sa ABS-CBN
- Published on September 25, 2020
- by @peoplesbalita
BUMITIW na bilang Chairman Emeritus at Director ng ABS-CBN Corporation si Eugenio “Gabby” Lopez III.
Ang resignasyon ay dahil aniya sa “personal reasons”.
Bukod dito, umalis na rin si Lopez sa kanyang posisyon bilang director ng ABS-CBN Holdings Corp., Sky Vision Corp., Sky Cable Corp., First Philippine Holdings Corp., First Gen Corp., at Rockwell Land Corp..
Sa isang press statement na nilabas ngayong Biyernes, Setyembre 24, 2020, sinabing ang resignation ni Lopez ay “effective immediately.”
Nanghihinayang man ay tinanggap ng Board of Directors ng ABS-CBN Corp. ang pagbibitiw ni Lopez sa kanilang organizational meeting ngayong araw.
“We thank him for his dedication and leadership in expanding and transforming ABS-CBN beyond television through the years,” ayon pa sa board.
Ilang araw matapos ibasura ng House Committee on Legislative Franchises ang franchise application ng ABS-CBN noong Hulyo, giniit ni House Speaker Alan Peter Cayetano na dapat tinakwil ni Lopez ang kanyang American citizenship, o hindi na lang naging opisyal ng Kapamilya network.
Isa ang dual citizenship ni Gabby Lopez sa mga pinukol na isyu sa ABS-CBN sa 12 joint hearing ng nasabing House panel na nagdesisyong tuluyang isara ang Kapamilya network. (Ara Romero)
-
Ads June 18, 2022
-
Ads January 28, 2023
-
Yorme Isko, binuksan ang parke sa Baseco Baywalk
BINUKSAN na sa publiko ng Pamahalaang Lungsod Ng Maynila ang isang pasyalan na matatagpuan sa Baseco compound na tinawag na “Linear Park”na matatagpuan sa kahabaan ng Baseco Baywall. Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, ang pagbu- bukas ng nasabing parke gayundin ang paglalagay ng mga pailaw at pagpapaganda ng kanilang lalakaran sa Baseco […]