• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, nanawagan para sa hustisya at pananagutan sa mga biktima ng extrajudicial killings

KASABAY ng selebrasyon ng International Human Rights Day, muling nanawagan si Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas para sa hustisya at pananagutan sa mga biktima ng extrajudicial killings sa ilalim ng war on drugs ng nagdaang administrasyon.

 

 

Hinikayat din nito ang administrasyong Marcos na itigil ang pagtanggi sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC).

 

 

“Marami pa ring pamilya ang naghahangad ng hustisya mula sa extrajudicial killings dulot ng giyera kontra-droga. Hindi maaaring pagtakpan ang libu-libong pagpatay at paglabag sa karapatang pantao na nangyari sa ilalim ng dating administrasyong Duterte,” ani Brosas.

 

 

ayon pa sa mambabatas, patuloy pa ring mailap ang hustisya sa mga bijtima, lalo na sa mga kababaihan at bata na na ulila ng madugong kampanya.

 

“Hindi sapat ang puro committee hearing lang. The Marcos Jr. administration must stop blocking the International Criminal Court’s investigation. To restore justice and dignity to the grieving families—wives, mothers, sisters, and children—the Philippines must cooperate with the ICC and hold all perpetrators accountable,” giit nito.

 

Ngayong Human Rights Day, kaisa ang Gabriela Women’s Party sa pamilya ng mga biktima ng EJK at sa paghahanap ng hustisya at katotohanan.

 

Umapela rin ito kay Duterte at sa lahat ng sangkot na kaharapin at panagutan ang naging crimes against humanity ng mga ito.

 

“The fight for human rights is the fight for our collective humanity. Walang hustisya kung walang pananagutan,” pagtatapos ni Brosas. (Vina de Guzman)

Other News
  • PBBM pinagtibay na ang 2 mahalagang batas ang Tatak Pinoy Act at Expanded Centenarian Act

    PINAGTIBAY na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang dalawang mahalagang batas ang Tatak Pinoy Act at ang Expanded Centenarian Act na layong bigyan ng dagdag benepisyo ang mga senior citizen.     Ito’y matapos lagdaan kaninang umaga ng Punong Ehekutibo ang dalawang panukala.     Kabilang sa nilagdaan ng Pang. Marcos ang Republic Act 11982 […]

  • Gobyerno, ipinagpaliban ang booster rollout para sa non-immunocompromised children na may edad na 12-17

    IPINAGPALIBAN  ng national government  ang  pagbibigay ng  kauna-unahang  COVID-19 booster dose para sa non-immunocompromised children na may edad na  12 hanggang 17  bunsod ng  ilang  “glitches”  sa  Health Technology Assessment Council (HTAC).     Ipinaliwanag ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson at Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje  na ang  HTAC ay gumawa ng kundisyon […]

  • Sotto gustong maging NBA star, best Asian

    INAASAM ni 7-foot-2 Pinoy phenom Kai Zachary Sotto na mapabilang balang araw sa National Basketball Association (NBA) All-Star Game at maging pinakamahusay na manlalaro sa Asya.   Sinalaysay ito ng 19 na taong-gulang at tubong Las Piñas City sa isang panayam noong isang araw sa isang FM radio program,   “I envision myself to be […]