• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gaganap na kontrabida sa ‘Pulang Araw’: DENNIS, excited na sa matitinding eksena nila ni ALDEN

MARAMI na ang excited at nag-aabang sa pagsasama sa unang pagkakataon sa isang project nina Dennis Trillo at Alden Richards.

 

 

In-announce na kabilang si Dennis sa cast ng ‘Pulang Araw’ na upcoming historical drama series ng GMA.

 

 

Dito ay gaganap si Dennis bilang kontrabida, isang malupit na sundalong hapon na magpapahirap sa karakter ng mga bida kabilang si Alden.

 

 

Lahad ni Dennis, “Excited akong magkaroon kami ng eksena ni Alden, siyempre, siya yung hindi ko pa talaga nakaka-eksena sa mga ganitong drama, ganun.

 

 

“Nakatrabaho ko siya sa mga variety shows, pero, ayun excited ako doon, paghahandaan ko ang eksena na ‘yon.”

 

 

Happy at excited din si Dennis na makatrabahong muli sa ‘Pulang Araw’ ang kanyang co-stars noon sa ‘Maria Clara at Ibarra’ na sina Barbie Forteza at David Licauco, at si Sanya Lopez na leading lady naman niya sa ‘Cain At Abel.’

 

 

“Siyempre excited akong ma-reunite kay David at Barbie, kay Sanya, nakatrabaho ko na rin dati,” wika pa ni Dennis.

 

 

Sinabi pa ni Dennis na matagal na niyang hinihintay ang mabigyan ng ganitong klaseng karakter sa isang malaking proyekto.

 

 

“Matagal ko na rin hinihintay itong ganitong klaseng project, ganitong kabigat na character ngayon naman as a kontrabida.

 

 

“May konting pressure pero mas doon ako sa importansya sa pagkakaroon ko ng challenge bilang artista. Sa rami [na] ng nagawa ko, kailangan ko ng isang mabigat na role na mag-iisip ako at pag-iisipan ko bawat kilos, bawat galaw, bawat dialogue, excited ako sa ganun.”

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Sa gitna ng World Cup, nakayanan ng mga tagahanga ang pagbabawal ng beer

    Ninamnam ng mga tagahanga ng soccer ang kanilang unang pagsipsip ng beer sa paglulunsad ng fan festival kung saan maaari silang uminom ng alak sa Fifa World Cup ngayong taon na nagsimula noong Linggo.   Ito ang unang pagkakataon para sa pinakaprestihiyosong kaganapan ng isport na gaganapin sa isang konserbatibong bansang Muslim na may mahigpit […]

  • ‘RFID installation, mananatili sa kabila ng Nov. 30 deadline

    Walang dapat ipangamba ang mga motorista na hindi pa rin nakakapagpakabit ng radio frequency identification (RFID) sticker.   Ayon kay Atty. Romulo Quimbo, ang chief communications officer ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), nilinaw nito na mananatili pa rin ang sistema ng RFID installation.   Nabatid na hanggang November 30, ang pinalawig na deadline ng […]

  • Kino-consider na pasukin din ang showbiz: KIM, mukhang pursigido talagang ligawan ni Atty. OLIVER

    NAGING instant celebrity ang Cebu-based lawyer na si Atty. Oliver Moeller.   AyOn pa sa isang kababayan na malapit Kay Atty. Oliver ay pursigido raw ang abogado na mapalapit nang husto kay Kim Chịu.   When in fact, inaalam daw madalas ni Oliver ang mga araw na bibisita si Kim sa bahay nito sa Cebu. […]