• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘RFID installation, mananatili sa kabila ng Nov. 30 deadline

Walang dapat ipangamba ang mga motorista na hindi pa rin nakakapagpakabit ng radio frequency identification (RFID) sticker.

 

Ayon kay Atty. Romulo Quimbo, ang chief communications officer ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), nilinaw nito na mananatili pa rin ang sistema ng RFID installation.

 

Nabatid na hanggang November 30, ang pinalawig na deadline ng Department of Transportation sa pagpapakabit ng RFID para sa autosweep ng San Miguel Corporation at easytrip tags ng MPTC.

 

“Itong RFID system natin is here to stay, even after December 1, magkakabit po tayo ng RFID. Ito na po ang magiging sistema natin kaya po, ah.. nagpapasalamat ako sa pagkakataon dahil po ang RFID po natin magkakabit po tayo, December, December 25, January, February, March,” paliwanag ni Quimbo.

 

Malinaw na halimbawa aniya rito ang mga bibili pa lamang ng sasakyan na tsaka pa lamang din makakapagpakabit ng RFID sticker.

 

Gayunman, umapela ang MPTC na paunahin na lamang ‘yaong mga regular na dumadaan sa mga expressway gaya ng mga pumapasada dahil may mga pasahero, gayundin ang mga pumapasok sa trabaho, mga truck at container, dahil parte na ito ng kanilang pang-araw araw na routine.

 

Habang ang mga mapapadaan lang dahil mamamasyal o magbabakasyon lalo ngayong Christmas season ay sa mismong araw na lamang ng biyahe magpakabit.

 

“So it’s not a matter of mawawala ‘yung RFID, it will remain, it will be our system moving to the future,” dagdag pa nito.

 

Ang autosweep tags ay para sa mga toll gate sa Skyway, South Luzon expressway (SLEx), STAR Tollway, Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEx), Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAx), at Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX).

 

Habang ang ang easytrip sticker ay para naman sa mga dadaan sa North Luzon Expressway (NLEx), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx), Cavite Expressway (CAVITEx), C5 Southlink, at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).

 

Other News
  • PNP sinabing ‘essential food’ ang lugaw

    Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na ‘essential food’ ang lugaw kaya papayagan makalusot ang mga nagdi-deliver ng nasabing pagkain.     Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana anumang uri ng pagkain na legitimate inorder sa panahon ng ECQ dito sa NCR Plus Bubble ay kinukunsiderang essential goods.     Ito ay taliwas sa […]

  • Bong Go, tinanggalan din ng security escort

    ISINIWALAT ni Sen. Bong Go na hindi lamang si Vice President Sara Duterte ang tinanggalan ng PNP ng security personnel sa pagsasabing maging siya ay dumanas din nito.       Sinabi ni Go na tatlong linggo na ang nakalilipas ay tinanggalan din siya ng security ng PNP na kanya ring ikinabigla.       […]

  • Inaming nagkulang sa paglalambing noon: MATET, ngayon lang na-realize na sana’y mas naging mabuting anak ni NORA

    INAMIN ni Matet de Leon na nagkulang siya sa paglambing noon kay Nora Aunor.     Ngayon lang kasi niya na-realize na sana’y naging mas mabuting anak siya sa kanyang inang Superstar.     “Siguro po ‘yung ipilit ko ‘yung sarili ko sa kanya. Kasi noong bata po kami, si mommy nga laging busy. So […]