GAL GADOT, napiling maging bida sa biological drama na ‘Cleopatra’
- Published on October 14, 2020
- by @peoplesbalita
Ang Wonder Woman star na si Gal Gadot ang napiling magbida sa biological drama na Cleopatra.
Huling naisapelikula ang epic film na Cleopatra ay noong 1963 at pinagbidahan ito ni Elizabeth Taylor. Sa bagong version, hahawakan ito ng Wonder Woman director na si Patty Jenkins.
Pero nasa planning stage pa raw ang Cleopatra project at mas priority ng team ni Patty Jenkins ang pag-release ng Wonder Woman: 1984 film na hindi natuloy ang pagpapalabas sa taong ito dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang original release date nito ay June 2020 pero na-move ito sa December 25, 2020.
Mukhang sa online streaming na mapapanood ang Wonder Woman: 1984 dahil takot pa rin daw ang maraming tao na manood sa sinehan sa Amerika dahil sa COVID-19.
Nakipag-meeting na raw si Gadot and ang team ni Jenkins sa limang studios kunsaan posibleng ma-stream ang kanilang pelikula. Kasama sa auction ay ang Netflix, Apple, Universal at Warner Bros.
Isa sa co-producers ng Wonder Woman: 1984 ay si Gadot at ang mister niyang si Jaron Varsano at pag-aari nila ang Pilot Wave Motion Pictures. (RUEL J. MENDOZA)
-
Ipag-pray na ito ang start ng friendship nila: KC, ibang happiness ang naramdaman sa concert nina SHARON at GABBY
HINIHINTAY pa namin ang sagot ng Triple A Management sa lumabas na balitang aalis na si Carla Abellana sa dating management company nito at lilipat na sa kanila. Pero ang sagot ng Triple A executive na si Ms. Jacqui Cara: “All Access to Artists and Carla Abellana po will make a statement on this […]
-
‘Rastro’ fans nina RHIAN at GLAIZA, nabubuhay na naman dahil sa mga post nina KYLIE at ANDREA
KUNG dati ay talagang may pag-iwas sina Dominic Roque at Bea Alonzo na mag–post na magkasama sila, ngayon, open na ang mga ito. Nagpo-post na sila ng mga ganap nila habang magkasamang nagbabakasyon sa U.S. at tina-tag na rin nila ang isa’t-isa. Tulad nga ng recent camping nila. In fairness sa […]
-
Ads February 15, 2024