• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GAL GADOT, napiling maging bida sa biological drama na ‘Cleopatra’

Ang Wonder Woman star na si Gal Gadot ang napiling magbida sa biological drama na Cleopatra.

 

Huling naisapelikula ang epic film na Cleopatra ay noong 1963 at pinagbidahan ito ni Elizabeth Taylor. Sa bagong version, hahawakan ito ng Wonder Woman director na si Patty Jenkins.

 

Pero nasa planning stage pa raw ang Cleopatra project at mas priority ng team ni Patty Jenkins ang pag-release ng Wonder Woman: 1984 film na hindi natuloy ang pagpapalabas sa taong ito dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Ang original release date nito ay June 2020 pero na-move ito sa December 25, 2020.

 

Mukhang sa online streaming na mapapanood ang Wonder Woman: 1984 dahil takot pa rin daw ang maraming tao na manood sa sinehan sa Amerika dahil sa COVID-19.

 

Nakipag-meeting na raw si Gadot and ang team ni Jenkins sa limang studios kunsaan posibleng ma-stream ang kanilang pelikula. Kasama sa auction ay ang Netflix, Apple, Universal at Warner Bros.

 

Isa sa co-producers ng Wonder Woman: 1984 ay si Gadot at ang mister niyang si Jaron Varsano at pag-aari nila ang Pilot Wave Motion Pictures. (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • 40 days na pagdarasal para sa halalan inilunsad ng CBCP

    INILUNSAD ngayong araw ng Caritas Philippines, ang social arm ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang “I Vote God” ang “40 days of Prayer and Discernment” para sa May 9, 2022 elections.     Layon ng nasabing programa ay para gabayan ang mga botante ganon din ang mga mananampalataya sa tamang pagpili ng […]

  • Incentives Trust Fund, itinatag ng POC sa mga atleta

    SA hangarin na lalo pang humusay ang mga atletang Pinoy sa larangan ng sports, nagsagawa ang Philippine Olympic Committee (POC), sa pangunguna ng pangulo nitong si Abraham Tolentino, ng incentive plan para sa mga medalist ng bansa sa mga international multi-sports tournaments.   At sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng lokal na Olympic body, sinabi […]

  • Sports‘Facilities na ginamit sa 2019 SEAG, posibleng ginamit sa korapsyon’ – Sen. Hontiveros

    HINDI na nakapagpigil pa si Sen. Risa Hontiveros na tawagin ang pansin ng kaniyang mga kapwa senador tungkol sa sports facilities na itinayo ng gobyerno noong 2019 South East Asian Games.   Ayon kay Hontiveros, base sa kanyang pagsisiyasat ay kapansin-pansin umano ang degree of collusion sa pondo at konstruksyon ng proyekto sa New Clark […]