• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gallego, Asuncion lumundag sa ‘NC’

MAGIGING leon na ang dating bulldog, samantalang isa pang tigre ang magiging cardinal.

 

Parang mga tipaklong na naglulundagan ang dalawang basketbolista ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) papuntang National Colleagite Athletic Association (NCAA).

 

Pinakabagong tumalon nitong Martes sina  National University Bulldog starter John Vincent ‘JV’ Gallego na umentra ng San Beda University Red Lions, at University of Santo Tomas Growling Tiger Jun Asuncion  na pumasok sa Mapua University Cardinals.

 

Nagsabi na nitong linggo ang 5-foot-10 guard sa Bulldogs palisan ng Bustillos patungong Mendiola, habang mula España pa-Muralla na ang destinasyon ng 21-anyos, may taas na 6-2 gunner at incoming sophomore na si Asuncion.

 

Si Asuncion na na ikalimang manlalaro ni Tigers coach Aldin Ayo na kumalas sa pagkawasak ng koponan makaraan ang Sorsogon bubble. Unang tumawid sa University of the Philippines Fighting Maroons si Crispin John ‘CJ’ Cansino. Sumunodrin sina Rhenz Abando, Ira Batallet at Brent Paraiso. (REC)

Other News
  • Hijab, taqiyah pinapayagan sa PhilSys Step 2 process

    MAAARI nang tumuloy ang mga Muslim Filipinos sa Step 2 biometrics capturing process ng Philippine Identification System (PhilSys) kahit hindi alisin ang kanilang traditional head coverings.     Ang Hijab ay isang belo o takip ng ulo na isinusuot ng maraming babaeng Muslim sa buong mundo bilang isang gawa ng kahinhinan, at isang relihiyosong kasanayan […]

  • Early registration para sa next school year magsisimula na sa Marso 25 hanggang Abril 30 – DepEd

    MAGSISIMULA na ang early registration sa mga pampublikong elementarya at sekondarya para sa susunod na school year sa araw ng Biyernes, Marso 25 hanggang Abril 30.     Base sa memorandum na nilagdaan ni Education Secretary Leonor Briones, maaari ng mag-preregister ang lahat ng incoming Kindergarten, Grade 1, 7 at 11 mag-aaral sa lahat ng […]

  • Malakanyang, pagsisikapan na makamit ang zero hunger, food security

    PAGSISIKAPAN ng gobyerno na tuldukan ang pagkagutom at tiyakin ang food security sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos.     Kaya nga ang panawagan ng Malakanyang ay government-wide approach para mapagtagumpayan ang hangarin ng pamahalaan.     Base sa two-page Memorandum Circular No. 47 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Abril 19, […]