Galvez nag-sorry sa mga ‘lapses’ sa protocols sa dolomite beach
- Published on October 28, 2021
- by @peoplesbalita
Humingi ng paumanhin sa publiko si National Task Force Against COVID-19 (NTF) chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa pagdagsa ng maraming tao sa dolomite beach sa Manila Bay.
Pinangangambahan kasi ng ilang health experts na maging super spreader event ang pagpunta ng libu-libong katao sa white sand area ng Manila Bay sa mga nakalipas na araw sa harap ng COVID-19 pandemic.
Aminado si Galvez na mayroong lapses, at tanggap nila ito, pero naniniwala rin siyang iwawasto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang sitwasyon sa dolomite beach.
Sa pagdagsa ng maraming tao sa naturang lugar, makikita na talaga aniya ang eagerness ng tao na lumabas na sa harap ng napakahabang quarantine restrictions dulot ng pandemya.
Gayunman, nakikita naman na “motivation” ni Galvez sa panig ng pamahalaan ang pangyayari sa dolomite bech para mapabilis na talaga ang pagbabakuna. (Gene Adsuara)
-
30-day break ng mga guro, suportado sa Kamara
SUPORTADO sa Kamara ang hakbang ng Department of Education (DepEd) na bigyan ng 30-araw na break ang mga guro sa pampublikong paaralan sa bansa. Pinuri rin ni House Committee on Labor and Employment chairman at Rizal Rep. Fidel Nograles ang plano ng DepEd na bawasan ang administrative work ng mga guro at gawin […]
-
Pamilyang Pinoy na dumanas ng gutom, nabawasan – SWS
NABAWASAN ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan Batay sa March 2023 survey ng Social Weather Station (SWS), 9.8% na mga pamilyang Pinoy o katumbas ng 2.7 milyong katao ang nakararanas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan. Higit na mas mababa ito sa […]
-
Ads July 19, 2022