• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Galvez, suportado ang 2nd booster shot para sa ibang sektor

UMAPELA si National Task Force (NTF) against Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. sa Health Technology Assessment Council (HTAC) na bilisan ang pag-apruba sa second booster shots na ibibigay sa mas maraming vulnerable sectors at isama ang iba pang priority sectors sa kanilang rekomendasyon.

 

 

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules, tinukoy ni Galvez ang pangangailangan na bilisan o i- fast-track ang pagtuturok ng booster shots sa iba pang vulnerable sectors gaya ng healthcare workers, senior citizens, at persons with comorbidities sa gitna ng banta ng humihinang immunity vaccines at posibleng surge ng mga kaso.

 

 

“Because of the current urgency of the situation, we are appealing to the HTAC to expedite the inclusion of health care workers, seniors and other vulnerable sectors para po mapataas significantly ang ating bakunahan ,” ayon kay Galvez.

 

 

Sinabi pa ni Galvez na dapat ikunsidera ng HTAC at Food and Drug Administration (FDA) ng bansa ang pagbibigay ng second booster doses sa mga overseas Filipino workers, seafarers, at uniformed personnel.

 

 

“HTAC/FDA should also look and include the seafarers, OFWs and uniformed personnel to be included in the priority due to their long duration deployment to [high-risk] and vulnerable areas,” ani Galvez.

 

 

Sa ngayon, mayroon ng 2,108 fully vaccinated immunocompromised individuals ang nakatanggap ng second booster shots simula ng official rollout nito, araw ng Lunes. (Daris Jose)

Other News
  • Sparkle artist na ang kilalang ‘Bangus Girl’: Social media star na si MAY ANN, mas excited kesa ma-pressure sa first GMA series na ‘MAKA’

    MAY pressure mang nararamdaman pero mas excited ang social media star na si May Ann Basa o mas kilala bilang “Bangus Girl” para sa kauna-unahan niyang serye sa GMA, ang MAKA. Sa Gen Z series na MAKA, makakasama ni May Ann ang kapwa niya Sparkle artists na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, […]

  • Mga Pinoy, hindi puwedeng maging choosy sa bakunang ituturok sa kanila laban sa Covid-19

    HINDI maaaring makapamili ang mga mamamayang Filipino o maging choosy kung anong brand ng COVID-19 vaccine ang makukuha nila mula sa pamahalaan.   Ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang mga bakunang inaprubahan ng drug regulator ay ” all potent, they are all effective.”   “There will be no discrimination at saka hindi kayo makapili […]

  • Uniformed personnel at mahihirap na pamilyang Filipino, prayoridad na mabigyan ng Covid- 19 vaccine

    TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga uniformed personnel at mahihirap na pamilyang Filipino  ang prayoridad na  mabigyan ng  COVID-19 vaccine.   “Ang mauuna ‘yung mga taong nasa listahan ng mga gobyerno na tumatanggap ng Pantawid. Ito ‘yung mga mahirap,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address.   Ang mahirap na pamilyang […]