Uniformed personnel at mahihirap na pamilyang Filipino, prayoridad na mabigyan ng Covid- 19 vaccine
- Published on August 26, 2020
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga uniformed personnel at mahihirap na pamilyang Filipino ang prayoridad na mabigyan ng COVID-19 vaccine.
“Ang mauuna ‘yung mga taong nasa listahan ng mga gobyerno na tumatanggap ng Pantawid. Ito ‘yung mga mahirap,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address.
Ang mahirap na pamilyang Filipino ani Pangulong Duterte ay iyong nabibilang o nasa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ang susunod aniya sa 4P beneficiaries ay mahihirap na pamilyang Filipino na wala sa listahan ng nasabing programa.
Magkagayonman, binigyang diin ng Punong Ehekutibo na bago ang mga ito ay mauuna munang bigyan ng bakuna ang mga uniformed personnel.
“Pero mauna sa lahat ang mga military pati pulis kasi kung walang pulis pati military, babagsak tayo. Sinong magguwardiya sa atin?” ayon kay Pangulong Duterte.
Nauna rito, sinabi ng Pangulo na ipatutupad ng military ang free vaccine program laban sa COVID-19.
Wala namang problema kay Pangulong Duterte kung mauna man siya o huling mabigyan ng bakuna.
“At ‘yung mga taga-gobyerno, kung gusto ninyo ako ang mauna para magkaroon kayo ng kumpiyansa o I can be the last Filipino to get, unahin kayo lahat,” aniya pa rin.
“Mahuli kami, basta sigurado ang pinag-uusapan dito na hindi mahuli ang mga mahihirap,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.
Muli ay tiniyak ni Pangulong Duterte sa publiko na ang vaccine ay malapit nang dumating.
Inaasahan niya na makatatanggap siya ng suplay ng vaccine mula sa China at Russia.
Noong nakaraang linggo ay sinabi ng Food and Drug Administration na hindi pa nito natatanggap ang kahit na anumang aplikasyon para simulan ang clinical trial para sa COVID-19 vaccines. (Daris Jose)
-
Knights pupuntiryahin ang ‘three-peat’ sa NCAA Season 98
WALANG ibang puntirya ang Letran Knights kundi ang ‘three-peat’ sa susunod na NCAA Season 98 men’s basketball tournament sa Setyembre. Kinumpleto ng Knights ang 12-game sweep matapos dominahin ang Mapua Cardinals sa NCAA Finals para angkinin ang kanilang back-to-back championship sa Season 97 noong Linggo. Unang kinopo ng Letran ang dalawang […]
-
Gobyerno, binatikos ang US report ukol sa human rights situation sa Pinas
KINASTIGO ng gobyerno ang pinagsama-samang report ng US State Department hinggil sa human rights situation sa buong bansa kabilang na ang extensive entry sa Pilipinas. Sinabi ni Communications Secretary at acting presidential spokesperson Martin Andanar na ang findings o natuklasan sa Pilipinas sa 2021 Country Reports on Human Rights Practices ay “ nothing […]
-
Pansamantalang sususpindehin ng mga MM Mayors ang confiscation ng mga erring drivers
NAGKASUNDO ang mga Metro Manila mayors na suspindehin pansamantala ang confiscation ng mga drivers’ licenses ng mga erring drivers at motorists upang bigyan daan ang pagtatatag ng single ticketing system sa kalakhang Maynila Pumayag sila sa hiling ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Benhur Abalos na magpatupad muna ng moratorium sa confiscation […]