Galvez, umapela sa publiko na pagkatiwalaan ang bakuna na bibilhin ng Pilipinas
- Published on January 28, 2021
- by @peoplesbalita
UMAPELA si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa publiko na pagkatiwalaan ang COVID-19 vaccines dahil ang bibilhin naman ng Pilipinas na bakuna ay ligtas at epektibo.
“Magtiwala po tayo na ang mga bakunang darating ay daraan sa stringent evaluation ng vaccine experts panel at ng FDA (Food and Drug Administration). Lahat po ng vaccine na makakapasa sa FDA, ina-assure po namin na safe ‘yan,” ayon kay Galvez.
“Mga 66 million na po ang nabakanuhan [sa buong mundo], 35 million po [gamit ang] Pfizer-BioNTech. Sa Chinese vaccine po na meron tayong agam-agam, 31 million naman na po ang nakatanggap ng Chinese vaccine, kasama na ang Sinovac na six million [ang tumanggap]. Maganda po ang resulta, safe po at ‘yung adverse effects ay manageable,” dagdag na pahayag nito.
Patuloy kasi ang pagdami ng mga filipino na ngdadalawang-isip na magpabakuna matapos na magpakita ang human trials ng Sinovac sa ibang bansa ng “inconsistent efficacy rates.”
Sa Turkey, nakapagtala ito ng 91% efficacy rate habang 65% at 50% efficacy rate naman sa mga bansang Indonesia at Brazil.
Gayunpaman, nagpalabas lamang ang FDA ng emergency use authorization (EUA) sa Pfizer-BioNTech matapos na matuklasan na ang bakuna ay mayroong efficacy rate na 95% at 92% sa study population sa lahat ng lahi.
Ang iba pang COVID-19 vaccine makers na may nakabinbing EUA applications sa FDA ay AstraZeneca ng UK at Oxford University , Gamaleya ng Russia, Sinovac ng China at Bharat BioTech ng India.
Ang bakuna ay kailangan na mabigyan ng EUA ng FDA para maituring na legally administered sa bansa. (Daris Jose)
-
Bulacan, nakapagbakuna ng higit 5 milyong doses ng bakuna kontra COVID
LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagbakuna na ang Lalawigan ng Bulacan ng kabuuang 5,240,671 doses ng bakuna laban sa COVID-19 kabilang ang una at ikalawang dosis, single doses, at booster shots noong Abril 17, 2022. Ayon sa covid19updates.bulacan.gov.ph website, 2,281,195 Bulakenyo ang kumpleto na ang bakuna habang 2,418,385 naman ang tumanggap ng kanilang unang doses. Tinatayang 75.68% ng […]
-
Paggamit ng face shield iminungkahi ni Duterte na ibalik vs Omicron variant
Muling iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusuot ng face shield bukod sa pa sa face mask dahil sa banta ng Omicron coronavirus variant. Sa kaniyang “talk to the people” nitong Martes ng gabi, sinabi ng pangulo na kahit na binabatikos at pinagtatawanan ng ibang bansa ang paggamit ng face shield sa mga […]
-
PBBM, balik-Pinas na
BALIK-PINAS na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Linggo matapos ang maikling byahe sa United Kingdom para sa koronasyon ni King Charles III at kanyang opisyal na pagbisita sa Estados Unidos kung saan nakipagpulong siya kay US President Joe Biden. “It feels good to be back home!” ang sinabi ni Unang Ginang […]