• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LEBRON AT GREEN, NAGBIRUAN NA MAKAKABISITA NA RIN SILA SA WHITE HOUSE

MATAPOS makumpirma ang panalo nina Joe Biden at Kamala Harris bilang next president at vice president agad na nangantiyaw si Warriors star Draymond Green.

 

Sa kantiyang tweeter message ipinaabot niya ang mensahe kay Lakers superstar LeBron James.

 

Ayon kay Green, sa wakas lahat daw ay makakapunta na rin sa White House.

 

Kung maalala bago lamang nagkampeon ang Lakers. Huling nakapunta ang isang NBA champion sa White House ay noong panahon ni Obama nang magkampeon ang Cavaliers at nandoon pa si James.

 

Pero nang umupo na si Trump noong 2016, naputol na ang naturang tradisyon.

 

Sumagot naman si LeBron kay Green ng “YO we back up in there my G!!!. I’m taking my tequila and vino too.”

 

Dahil dito umugong tuloy na dapat ding maimbitahan ang dating mga kampeon na Warriors at Raptors.

 

Samantala, pormal namang uupo sa puwesto sina Biden at Harris sa Jan. 20, 2021.

Other News
  • Tom Holland Clarifies What Is Going On For The Future of MCU ‘Spider-Man 4’

    WITH Spider-Man: No Way Home completing the MCU’s first Spider-Man trilogy, Tom Holland chats about his future as Peter Parker.     2021 ended on a big note for Marvel Studios, as well as Sony Pictures, thanks to their co-produced Spider-Man threequel.     After the major cliffhanger in Spider-Man: Far From Home, the third installment went all-in as they tackled Peter’s final story in the […]

  • DOH: 8,764 healthcare workers infected; 58 patay sa COVID-19

    Aabot na sa 8,764 ang bilang ng mga health care workers sa Pilipinas ang tinamaan ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).   Batay sa data ng ahensya, as of September 16, mayroon nang 8,068 na ang gumaling at 58 ang namatay na, mula sa nasabing total.   Ang mga active cases o nagpapagaling […]

  • Kauna-unahang ‘Walk of Faith’ ng Itim na Nazareno mapayapa – PNP

    MAPAYAPA sa kabuuan ang kauna-unahang “Walk of Faith” sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno na nagsimula kaninang ala-1:30 ng madaling araw.     Ayon kay Manila Police District (MPD) PBGen. Andre Dizon batay sa kanilang naging initial assessment simula kaninang madaling araw hanggang ngayong hapon, mapayapa at walang naiulat na mga untoward incident. […]