Gambling Lord ng Korean, inaresto ng BI
- Published on October 19, 2024
- by @peoplesbalita
NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) fugitive search unit (FSU) ang isang South Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa illegal gambling.
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony na inaresto si Choi Jonguk, 42, sa isang sikat na entertainment area sa Brgy. Tambo, Paranaque.
Si Choi ay nasa wanted list ng BI noon pang 2019 dahil sa pagpapatakbo ng isang illegal gambling website na ang mga customer nito ay mga Koreano na tumataya sa resulta ng isang sports competitions.
Sinasabing kumikita siya sa pamagitan ng pagbenta ng ticket on line a isang paglabag sa kanilang bansa sa national sports promotion act.
Iniulat din ng BI ang pagkakaaresto sa isa pang South Korean national na wanted ng mga awtoridad sa kanilang bansa dahil sa illegal drugs trading.
Kinilala ni Viado ang pugante na si Seo Jungchul, 37, na inaresto sa Clark Freeport Zone sa Angeles City, Pampanga ng mga ahente ng BI FSU.
Nasa listahan din siya ng Interpol red notice at matagal ng overstaying sa Pilipinas upang makatakas sa pag-aresto at prosecution sa kanyang mga kaso sa Korea.
Isang warrant para sa pag-aresto sa kanaya ang insiyu ng Seoul Central District Court noong 2017 matapos siyang idawit dahil sa paglabag sa narcotics control act.
Ayon sa mga awtoridad ng South Korean, si Seo ay sangkot sa purchase, consumption at trading ng Philopon, isang bahagi ng methamphetamine, isang drug substance sa Korea.
Sina Choi at Seo ay maituturing ng undocumented aliens matapos kanselahin ng kanilang gobiyerno ang kanilang pasaporte. GENE ADSUARA
-
Foreign trips ni PBBM, nagbukas ng bagong job opportunities abroad para sa mga Filipino -Department of Migrant Workers
MAITUTURING na maganda ang naging Bunga ng mga naging byahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ibang bansa. Isa na rito ang mabuksan angĀ maraming job opportunities sa abroad para sa mga Filipino. Sa press briefing, tinuran ni DMW secretary Susan Ople na isa na rito ang nabuksang pangangailangan ng Singapore […]
-
Gilas Pilipinas nahaharap sa hamon dahil sa mga pagkaka-injury ng mga players
NAHAHARAP ngayon sa isang hamon ang Gilas Pilipinas ilang araw sa pagsisimula ng panibagong windowsng FIBA Asia Cup. Ito ay matapos na magtamo ng ankle injury si RJ Abarrientos habang nagpa-praktis. Ayon kay Gilas coach Chot Reyes, na kanilang oobserbahan pa ang 5-foot-11 na si Abarrientos kung tuluyang gagaling ang natamong […]
-
Mark Caguioa hindi makakasama ng Ginebra sa PBA Philippine Cup
HINDI makakasama ng Barangay Ginebra sa 2022 Philippine Cup ng PBA si Mark Caguiao. Kinumpirma ito ng koponan na hindi makakasama ang dating PBA Most Valuable Player sa pagsisimula ng bagong conference sa Hunyo 5. Sinabi ni Ginebra team governor Alfrancis Chua na may mga aayusin lamang ito subalit hindi na […]