LWUA, kinalampag ni PDu30 na agad kumpunihin ang water system na nasira sa mga lugar na matinding binayo ng bagyong Rolly
- Published on November 5, 2020
- by @peoplesbalita
PINAMAMADALI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagkumpuni sa water system sa catanduanes at iba pang lugar sa bansa na nawalan ng suplay ng tubig dahil sa epekto ng supertyphoon rolly.
Kinalampag at agad na inatasan ni Pangulong Duterte ang Local Water Utilities Administration o LWUA na tulungan ang mga water district sa mga apektadong lugar na agad maayos ang water system.
Giit ng Pangulo, hindi maaaring pabayaan na walang suplay ng tubig sa matagal na panahon ang mga tinamaan ng bagyo.
Nauna rito, iniulat ni Catanduanes Governor Joseph Cua na wala silang suplay ng tubig at tanging ang ilang deep wells ang gumagana ngayon sa kanilang probinsiya. (Daris Jose)
-
Desisyon ni Marcos na laktawan ang presidential debates, tama- PDU30
TAMA lang ang ginawang desisyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mag-skip o laktawan ang presidential debates sa panahon ng campaign period. Iyon ay dahil na rin sa limited time para idepensa ang kanilang sagot. “During the campaign, we had a limited time to talk, and the next time that […]
-
P5.768 trilyong 2024 budget nakatuon para paangatin buhay ng Pinoy – Romualdez
ISA UMANONG mahalagang hakbang tungo sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating bansa ang matagumpay na pagratipika ng P5.768 trilyong pambansang badyet para sa 2024. Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang badyet ay bunga ng masigasig na pagta-trabaho ng Senado at Kamara na nagkasundo upang ayusin ang magkaiba nilang […]
-
Nagluluksa ngayon sa biglaang pagpanaw: BILLY, nag-sorry sa ama dahil ‘di man lang nakita at nakausap
KINUMPIRMA ng “The Voice Kids Philippines” coach na si Billy Crawford ang malungkot na balita noong Linggo, Sept. 22. Sa pamamagitan ng kanyang social media, ibinahagi ni Billy sa biglaang pagkamatay ng kanyang ama na si Jack Crawford na nakatira sa Texas, USA. Wala pang ibinigay na detalye si Billy tungkol sa dahilan […]