• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Gameboys’ nina ELIJAH at KOKOY, nominated sa ‘2021 International Emmy Awards’

NOMINATED sa 2021 International Emmy Awards ang acclaimed Boys’ Love series na Gameboys na pinagbidahan nina Elijah Canlas at Kokoy De Santos.

 

 

In-announce ito ng IdeaFirst Company, ang creator of Gameboys, sa pamamagitan ng Instagram and Twitter pages noong Sept. 8.

 

 

May caption ito na, “Congratulations team Gameboys! International Emmy Awards 2021 nominee for kids – live action.”

 

 

Makatutunggali ng Gameboys ang tatlo pang entries mula sa Australia, the Netherlands at Argentina under the kids live-action category.

 

 

Ito ang nag-iisang Filipino production na magko-compete para sa award, batay sa nilabas na ng Academy of Television Arts & Sciences noong Sept. 7.

 

 

Ang iba pang categories sa 2021 International Emmy Awards ay Kids: Animation and Kids: Factual and Entertainment.

 

 

Malalaman ang mga nanalo sa online presentation sa Oct. 12, 2021.

 

 

Matatandaan na nakatanggap na ang Gameboys ng first international recognition last November 202, matapos na hirangin ang serye bilang Best Web Series sa Indie Shorts Awards in Seoul.

 

 

Ang first season ng Gameboys ay unang pinalabas sa IdeaFirst’s YouTube channel last May 22, 2020, na agad minahal at nakakuha ng suporta sa mga fans worldwide at consistent din ito sa positive reviews mula sa kritiko.

 

 

Kasama rin na nagpatingkad at minahal din sa serye sina Adrianna So, Kyle Velino at Miggy Jimenez.

 

 

Ang Netflix version ng first season naman ang sumunod na napanood, Gameboys Level-Up Edition, na ni-release naman noong December 2020.

 

 

Nag-debut naman ito sa Philippine network TV nitong June 13, 2021, sa pamamagitan ng GMA’s Heart of Asia. Dahil sa success ng serye nagkaroon ito ng Gameboys: The Movie na napanood naman worldwide last July, samantala, inilabas na ang trailer ng second season and soon na mapapanood na rin ito.

 

 

Ang Gameboys ay mula sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal, sa panulat ni Ash Malanum, at mula sa produksyon nina Perci Intalan at Jun Lana.

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • ANDREA, ini-enjoy ang pagiging single at dedma na lang muna sa lovelife

    INI-ENJOY ni Kapuso actress Andrea Torres ang single life niya ngayon, kaya ayaw na niyang sumagot tungkol sa kanyang lovelife.      Sa ngayon, ang dream niya, makapag-travel mag-isa sa ibang bansa, at gusto niyang puntahan ang mga lugar sa Europe.     “Inspired ako ng novel-turned-movie na ‘Eat, Pray, Love,’ na ang bida ay […]

  • Naunang anunsiyo hinggil sa pagbabago ng 21 to 60 years age restriction para makalabas ng bahay, kailangan pang linawin sa IATF – Malakanyang

    KAILANGAN pa munang linawin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang tungkol sa pagbabago ng age restriction ng mga puwede nang makalabas ng bahay.   Itoy makaraang magkaroon ng anunsiyo na ibinaba na sa edad 15 at itinaas naman sa 65 ang pupwede nang makalabas ng bahay.   Paglilinaw ni Sec. Roque, example o halimbawa lang […]

  • Lim kinabog ang karatista ng Turkey sa isang praktis

    Mukhang maganda ang tinatahak ni 32nd Summer Olympic Games 2020 karate hopeful Jamie Christine Lim at mga kasama sa national team na naghahanda para Olympic Qualifying Tournament sa Paris, France sa darating na Hunyo 11-13.     Base ito sa latest Instagram post ng 2019 Philippine Southeast Asian Games women’s kumite +61-kilogram gold medalist at […]