• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naunang anunsiyo hinggil sa pagbabago ng 21 to 60 years age restriction para makalabas ng bahay, kailangan pang linawin sa IATF – Malakanyang

KAILANGAN pa munang linawin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang tungkol sa pagbabago ng age restriction ng mga puwede nang makalabas ng bahay.

 

Itoy makaraang magkaroon ng anunsiyo na ibinaba na sa edad 15 at itinaas naman sa 65 ang pupwede nang makalabas ng bahay.

 

Paglilinaw ni Sec. Roque, example o halimbawa lang ang “15 to 65” sa rekomendasyon at hindi pa pinal.

 

Ang sigurado ayon kay Sec. Roque ay aprubado nang may pagbabago sa age restriction at hindi na 21 to 60 years old.

 

“Well, unang-una po, ang naaprubahan po ng Gabinete kasama ng Presidente ay lahat ng kabuuan ng rekomendasyon na ginawa po ng economic team sa pagbubukas ng bahagya pa ng ating ekonomiya, kasama po diyan iyong edad,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Pero nakasulat po doon ‘e.g. 15 to 65’, so medyo, ang e.g. ibig sabihin po ‘for example’ ‘no. So lilinawin ko lang po kung talagang 15 to 65 na iyan. dahil iyon po iyong kumbaga oversight doon sa recommendation, hindi siya fix, sinabi doon e.g.. So ipagbibigay-alam ko po ito sa IATF para magkaroon ng paglilinaw, pero ang talagang naaprubahan na po ay babaguhin na natin, hindi na po 21 to 60 iyan, dahil pupuwede na pong mas marami pang mga 21 to 60. Hindi na po 21 to 60 iyan, mas marami na po ang makakalabas, hayaan lang po ninyong klaruhin ko sa IATF kung ano talaga iyong edad, dahil sa rekomendasyon, ‘e.g.’ po iyong nakasulat doon, 15 to 65,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya, idudulog niya ito sa susunod na pulong ng IATF para magkaroon ng paglilinaw ngunit sa Martes pa aniya ito magagawa dahil may budget hearing ngayong araw ang DOH kaya walang IATF meeting ngayong Huwebes.

 

“Sa Tuesday po yata ang susunod na meeting, kasi budget hear- ing po ngayon. Dahil nag-resume ang budget, ang DOH po, bukas po iyong pagdidinig ng budget nila, kaya wala pong meeting ng IATF,” ang pahayag ni Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Rider todas sa araro ng SUV sa Bulacan

    Patay ang isang 24-anyos binatang motorcycle rider matapos masagasaan at araruhin pa ng humaharurot na sports utility vehicle sa bayan ng Guiguinto.   Sa report ni Guiguinto acting chief of police, P/Maj. Rolando Geronimo, kinilala ang biktima na si EhdGlenn Fajardo, residente ng Wawa St. Bagong Barrio, Balagtas.   Tumakas ang driver ng puting Kia […]

  • Gobyerno, inalis na ang restriksyon sa mga non-essential travel ng mga Filipino

    INALIS na ng pamahalaan ang restrictions na ipinatupad nito sa mga non-essential travel ng mga Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ang naging desisyon ng COVID-19 task force ng pamahalaan, araw ng Lunes. Nagtakda rin aniya ang task force ng mga kondisyon sa non-essential outbound travel ng […]

  • Comelec, hiniling kay Duterte na ideklarang special non-working holiday ang May 9

    HINILING ng Commission on Elections (Comelec) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang special non-working holiday ang mismong araw ng eleksyon na gaganapin sa Mayo 9.     Ito ay upang matiyak na lahat ng mga rehistradong botante sa bansa ay makakalahok sa pambansa at lokal na halalan ngayong taon.     Sinabi ni Comelec Chairman […]