• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gamot sa cancer, diabetes wala ng VAT – FDA

INIHAYAG ng Drug Administration (FDA) na idinagdag sa listahan ng wala ng value added tax (VAT) ang ilang gamot para sa cancer at diabetes, matapos payagan ang hiling ng mga kumpanya.

 

 

 

Sinabi ni FDA spokesperson Atty. Pamela Sevilla na ang karagdagang VAT-exempt list medicines ay nadesisyunan ng mga kinatawan ng DFA, Department of Health (DOH), Department of Finance (DoF), at ng Bureau of Internal Revenue(BIR).

 

 

Kinabibilangan ito ng Diabetes Medicine na Sitagliptin: Film-coated tablet (25 mg, 50 mg, 100 mg); Sitagliptin (as hydrochloride) + Metformin Hydrochloride: Film-coated tablet (50 mg/1 g, 50 mg/850 mg); Sitagliptin (as hydrochloride monohydrate): Film-coated tablet (25 mg, 50 mg); Linagliptin: Film-coated tablet (5 mg).

 

Gayundin ang Cancer Medicines na Degarelix: Freeze-dried powder for solution for injection (80 mg and 120 mg); Tremelimumab: Concentrate for solution for infusion (25 mg/1.25 mL, 20 mg/mL)

 

 

Kabilang din sa VAT exempt list ang mga gamot sa Mental Illness na Clomipramine Hydrochloride: Film-coated tablet (25 mg); Chlorpromazine (as hydrochloride): Tablet (200 mg); Midazolam: Film-coated tablet (15 mg.)

 

Noong Agosto, inanunsyo na ng FDA ang VAT-exempt na may 15 cancer, high cholesterol, hypertension, at mental illness medicines.

 

 

Ayon sa FDA, matutunghayan sa kanilang website ang mga gamot na VAT-exempt.

 

Other News
  • PH HIGH SCHOOL FOR SPORTS, LUSOT NA SA SENADO

    LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang nagpapalikha sa Philippine High School for Sports (PHSS), isang educational institution na nakadisenyo para sa mga estudyanteng Filipino na nagnanais na magkaroon ng “long-term career in sports.”   Sa 21 senador na present sa session, wala dito ang kumontra sa sa Senate Bill No. […]

  • Jake Gyllenhaal, Felt Trapped While Filming ‘The Guilty’

    JAKE Gyllenhaal says he felt trapped while filming his latest movie, The Guilty.     Gyllenhaal first collaborated with director Antoine Fuqua for Southpaw, a film about a boxer who loses his wife in an accident, which received largely positive reviews and fared well at the box office with a $94 million gross.     Now, Gyllenhaal is reuniting […]

  • Petisyon sa surge charge ng PUV may hearing sa susunod na taon

    MAGKAKAROON pa ng hearing sa susunod na taon ang petisyon ng mga grupo ng transportasyon para sa surge charge kapag rush hours ng mga public utility vehicles (PUVs) kasama ang jeepneys at buses.   Nagkaroon ng unang pagdinig sa petisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan dinaluhan ng mga petitioners at […]