• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GAMOT SA ‘PINAS

SA Pilipinas, maraming mahihirap na maysakit ang hindi makabili ng gamot dahil sob-rang mahal na kung mamalasin ay namamatay nang hindi nakatikim ng gamot o maski naipasok sa ospital.

 

Dahil sa kawalan o kakulangan ng perang pambili ng gamot, idinaraan na lamang sa tapal-tapal ng mga albularyo ang sakit na sa halip gumaling ay lalo pang lumala ang sakit. Isang malinaw na mensaheng hindi ubra ang laway-laway sa mga sakit na kailangan ang gamot.

 

Kaya naman malaking ginagawa ang pagka-kalagda sa Executive Order 104 ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi na maitataas ang presyo ng mga gamot para sa hypertension, diabetes, sakit sa puso, baga, atay, cancer, chronic renal disease, psoriasis at rheumatoid arthritis at marami pang iba na karaniwang tumatama sa mga Pinoy.

 

Matagal na itong isinusulong ng Department of Health (DOH) kaya labis ang kasiyahan nila sa naging aksyon ng Punong Ehekutibo na malaking biyaya sa sambayanang Pilipino, mayaman man o higit na lalo sa mga mahihirap.
Sa EO 104, makatitikim na ng gamot ang mga maysakit na mahi-hirap kung saan maaari nang malunasan ang kanilang karam-daman. Puwede na silang makabili ng gamot na abot ng kanilang bulsa.

 

Ayon sa report, ang Pilipinas ang tanging bansa sa Asia na mahal ang gamot. Mas mahal pa raw ang gamot dito kaysa sa mga mayayamang bansa.

 

Bantayan naman ng DOH ang mga botika sapagkat baka hindi sila sumunod sa utos ng Presidente. Kailangang maipatupad ito nang maayos.

Other News
  • VP Robredo pumalag sa mga patutsada sa kanya ni Pres. Duterte

    Hindi na nakapagtimpi pa si Vice President Leni Robredo sa sunod-sunod na tirada laban sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.   Tinawag ni Robredo na isang “misyogynist” ang presidente.   Ito raw ay ang uri ng mga tao na kinamumuhian ang mga kababaihan.   Sa isang Twitter post, ipinakita ng bise-presidente ang ginagawa ng […]

  • Sandro, iba pang Marcoses sa Ilocos Norte, pinroklamang panalo sa local polls

    LAOAG CITY, Ilocos Norte- PINROKLAMA ng Commission on Elections (Comelec) ang political neophyte na si Sandro Marcos bilang panalo sa first district congressional race sa Ilocos Norte, araw ng Martes.     “Maraming salamat sa tiwala at suporta ng aking mga kakailian. Napakalaking bagay po nito para sa akin dahil ito po ang unang beses […]

  • Kampo ni Quiboloy hinihintay ang written declaration ni PBBM para sa pagsuko nitov

      MULING ipinaalala ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy ang ilang kondisyon para sa kaniyang pagsuko.     Ayon kay Atty. Israelito Torreon, ang abogado ni Quiboloy, na dapat ay magkaroon ng written declaration si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.   Nakasaad dito na hindi niya ipapasakamay si Quiboloy sa US kung […]