GAMOT SA ‘PINAS
- Published on February 24, 2020
- by @peoplesbalita
SA Pilipinas, maraming mahihirap na maysakit ang hindi makabili ng gamot dahil sob-rang mahal na kung mamalasin ay namamatay nang hindi nakatikim ng gamot o maski naipasok sa ospital.
Dahil sa kawalan o kakulangan ng perang pambili ng gamot, idinaraan na lamang sa tapal-tapal ng mga albularyo ang sakit na sa halip gumaling ay lalo pang lumala ang sakit. Isang malinaw na mensaheng hindi ubra ang laway-laway sa mga sakit na kailangan ang gamot.
Kaya naman malaking ginagawa ang pagka-kalagda sa Executive Order 104 ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi na maitataas ang presyo ng mga gamot para sa hypertension, diabetes, sakit sa puso, baga, atay, cancer, chronic renal disease, psoriasis at rheumatoid arthritis at marami pang iba na karaniwang tumatama sa mga Pinoy.
Matagal na itong isinusulong ng Department of Health (DOH) kaya labis ang kasiyahan nila sa naging aksyon ng Punong Ehekutibo na malaking biyaya sa sambayanang Pilipino, mayaman man o higit na lalo sa mga mahihirap.
Sa EO 104, makatitikim na ng gamot ang mga maysakit na mahi-hirap kung saan maaari nang malunasan ang kanilang karam-daman. Puwede na silang makabili ng gamot na abot ng kanilang bulsa.
Ayon sa report, ang Pilipinas ang tanging bansa sa Asia na mahal ang gamot. Mas mahal pa raw ang gamot dito kaysa sa mga mayayamang bansa.
Bantayan naman ng DOH ang mga botika sapagkat baka hindi sila sumunod sa utos ng Presidente. Kailangang maipatupad ito nang maayos.
-
‘Ten Little Mistresses’ Trailer Teases a Chaotic Murder Mystery
PRIME Video’s first Filipino Amazon Original Movie Ten Little Mistresses has released its official trailer, teasing the chaotic murder mystery from director Jun Robles Lana of Die Beautiful and The Panti Sisters. Check it out below: https://www.youtube.com/watch?v=It120HSWer4 The film revolves around the ten mistresses of a rich man named Valentin, who […]
-
Dallas, dumanas ng 24-point loss sa kamay ng Warriors
TINAMBAKAN ng Golden State Warriors ang Dallas Mavericks ng 24 big points, sa tulong ng 30-point performance ni NBA superstar Stephen Curry. Hindi pinaporma ng GS ang Dallas kung saan sa unang quarter pa lamang ang nagbuhos na ang koponan ng 33 points kontra sa 18 points ng Mavs. Lalo pa itong tumaas hanggang sa naabot […]
-
P5 taas-pasahe sa jeep inihirit ng transport group
NANAWAGAN kahapon ang transport group na Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) sa pamahalaan na aprubahan na ang hiling nila na P5 dagdag-pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa. Ayon kay FEJODAP president Ricardo “Boy” Rebaño, umaasa silang aaksiyunan ng pamahalaan […]