• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Roque, naka-isolate sa bahay

ISINAPUBLIKO ni Presidential spokesperson Harry Roque na naka-isolate siya ngayon sa kanyang bahay.

 

Nilinaw ni Sec. Roque na  nagpositibo kasi sa Covid- 19 ang kanyang security detail kaya’t kahit wala naman aniya siyang sintomas ay kailangan niyang sumunod sa protocol.

” Nagka-positive po ang aking security  detail. Wala naman po akong  sintomas but i’m following protocol po.

 

Sa ulat, ang paalala naman na nasa ganitong sitwasyon ay bantayan ang  kalusugan mula sa unang araw na nakasalamuha ang nasabing tao na may sintomas hanggang sa 14 na araw matapos nito. Bantayan ang sarili mula sa mga sumusunod: lagnat, ubo, hirap sa paghinga, sore throat, sakit ng katawan, sakit ng ulo, pagkahilo, pagtatae, atbp.

 

At kapag nagpakita naman  ng isa o higit pa ng mga sintomas na ito ay  sundan lamang ang prevention steps para sa mga nag-aalaga/may kasama sa bahay na posibleng mayroong 2019-nCoV ARD infection.

 

Agad din aniyang tawagan ang doktor at abisuhan muna ito ukol sa iyong kondisyon bago pa pumunta sa kanyang klinik o ospital.

 

Kung ang isang tao  naman ay walang sintomas, hindi na kailangang mag-alala. (Daris Jose)

Other News
  • Ads February 11, 2020

  • JUSTIN BALDONI AND BRANDON SKLENAR STAR AS POLAR OPPOSITES RYLE AND ATLAS IN “IT ENDS WITH US”

    A new life in the big city sets up an opportunity for love for Lily Bloom, the main character in Colleen Hoover’s #1 New York Times bestselling novel It Ends With Us. Charismatic neurosurgeon Ryle Kincaid is just that opportunity, sweeping Lily off her feet from the get-go. Playing the role of Ryle and helming […]

  • Ads July 30, 2024