Garrett, handog sa mga fans ang isang madamdaming awitin
- Published on January 12, 2021
- by @peoplesbalita
ISANG madamdaming regalo ang handog ng Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden para sa kaniyang fans sa pagpasok ng Bagong Taon – ang kaniyang original composition under GMA Music na pinamagatang “Our Love.”
Pagbabahagi ng The Clash alumnus, espesyal ang awit na ito dahil naaalala niya rito ang yumaong ama.
“As I was writing it, I felt the same feeling when I lost my father. I was really sad and longing and through the song, it felt as if I could turn back time, see him, and spend more time with him.”
Dagdag pa ni Garrett, may mensaheng hatid ang kanta para sa listeners na katulad niya ay may nami-miss sa kanilang buhay: “It’s a song that aids one’s longing for someone. It is from my heart and I dedicate it to everyone who is going through the same feeling of love.”
Available na for pre-order ang “Our Love” sa iTunes at opisyal na itong mapapakinggan sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital stores worldwide simula January 11. (RUEL MENDOZA)
-
Phil. Women’s football team pasok na sa quarterfinals ng 2022 AFC Women’s Asian Cup
PASOK na sa quarterfinals ng 2022 AFC Womens’ Asian Cup ang pambato ng bansa matapos ilampaso ang Indonesia 6-0 sa laban na ginanap sa Pune, India. Dahil sa panalo ay nasa pangalawang puwesto na sila sa Group B na mayroong dalawang panalo at isang talo. Nangunguna pa rin sa Group B […]
-
Kung si Barbie ang Primetime Princess ng GMA: SHAYNE, nagulat nang ipinakilalang ‘Afternoon Prime Drama Princess’
SI Barbie Forteza ang kinikilalang Kapuso Primetime Drama Princess, ngayon, si Shayne Sava, ang StarStruck 7 Ultimate Female Survivor, ay siya namang tinaguriang GMA Afternoon Prime Drama Princess. Ikinagulat ito ni Shayne nang i-introduce siya sa zoom mediacon ng upcoming GMA Afternoon Prime Drama Princess sa ganoong title. Hindi raw siya makapaniwala. […]
-
Gobyerno on track sa laban vs kahirapan, gutom
ANG RESULTA ng isang recent survey na nagbanggit ng bahagyang pagbaba nang mahigit isang milyong pamilyang nakararanas ng gutom at kahirapan ay patunay na epektibo ang mga direktiba at programa ng gobyerno sa sektor ng agrikultura. Ito ay ayon kay National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Lope Santos III, na ginawa ang pahayag matapos […]