GARY, hinihiling na ipagdasal na hindi mahawa sa Covid-19; ANGELI, tanggap na nag-positive ‘wag lang ang asawa
- Published on March 26, 2021
- by @peoplesbalita
NAGPASALAMAT si Angeli Pangilinan-Valenciano sa mga nag-wish sa kanya ng ‘get-well soon’ dahil sa nag-positive siya sa Covid-19.
“Gosh, nagsilabasan lahat ng mga mahal ko sa buhay!”
Pero huwag daw mag-alaala sa kanya ang mga friends niya at nag-post siya ng: “Guess why I posted this? Here I am isolated because I am Covid positive. I should be afraid right? But I am married to a man who has Type 1 diabetes for 42 years. Who has had multiple seizures due to hypoglycaemia. Hepatitis. Orthroscopic surgery on his knees. Tuberculosis. Cardiac double Bypass/open heart surgery. Kidney cancer. Partial nephrectomy surgery.
“Whew! So having gone through all that with him, I know that this is just another trial that we will overcome together.”
Binanggit din ni Angeli, na tulad ni Gary, marami rin siyang pinagdaanan sakit at surgeries.
“Please pray that Gary doesn’t get it. I don’t mind getting it for as long as he is spared from this disease. BY HIS STRIPES I AM HEALED!”
***
ANG actor na si Piolo Pascual naman ang nagpakita sa vlog niya, ng kanyang hilltop mansion sa Batangas.
Mula sa kanyang property doon, situated in the middle of a mountain, makikita sa ibaba mula sa kanyang balcony, ang Oriental Mindoro at Sombrero Island. Malapit din siya sa beach.
Ipinakita ito ni Piolo nang bisitahin siya ng mag-asawang sina Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, ang iba’t ibang lugar sa mansion, like the yoga deck, a sunset bar, and the 25-meter swimming pool, a small basketball court, and a nursery for his veggies.
Sila raw ang nagtatanim ng mga gulay for their food at may sarili rin silang poultry sa farm. Dagdag pa ni Piolo, ang mga furniture niya sa mansion ay mula pa sa Mountain Province na sinasadya pa niyang bilhin tuwing aakyat siya roon.
Work is in progress pa rin sa mansion, at ang isa sa itatayo roon ni Piolo ay isang chapel, and a big cross as a landmark, “I’m going to give it to the community.”
Kasama ni Piolo sa kanyang mansion ang Mommy Amy niya. Iyon ang napiling lugar ni Piolo dahil hindi na raw niya kailangang sumakay ng airplane para puntahan.
Natutunan din ni Piolo ang mga simpleng bagay na naa-appreciate niya at magandang lugar para mag-recharge lalo na pagkatapos ng maraming trabaho.
***
HINDI makatiis si Jake Ejercito na matagal mawalay sa kanya ang anak na si Ellie, ang love child niya kay Andi Eigenmann, kaya for the first time ay nagbiyahe siya sa Siargao para sunduin ang anak.
Magkatulong na pinalalaki nina Jake at Andi si Ellie. Last year dahil sa Covid-19 pandemic, matagal na nakasama ni Jake ang anak, habang nasa Siargao naman si Andi, kasama si Lilo, ang anak nila ng surfer na si Philmar Alipayo.
Matapos magsilang si Andi sa baby boy nila ni Philmar na si Koa, sa Manila, isinama niya muli si Ellie pabalik sa Siargao, kaya sinundo na siya ni Jake.
Tweet ni Jake: “First time in Siargao, to collect the offspring.” (NORA V. CALDERON)
-
123 aftershocks niyanig ang lalawigan ng Masbate
PATULOY na nakakapagtala ng mga aftershocks ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa lalawigan ng Masbate. Ito ay kasunod pa rin ng pagtama ng magnitude 6.0 na lindol doon kaninang madaling araw. Sa ulat ng kagawaran, as of 12:00 ng tanghali ay pumalo na sa 123 ang bilang […]
-
State of calamity sa buong bansa, idineklara ni Duterte dahil sa ASF
Nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity sa buong bansa dahil sa African swine fever. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, batay sa Proclamation No. 1143 tatagal ang state of calamity hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan maliban na lamang kung babawiin na ni Pangulong Duterteng mas maaga. “Ang […]
-
26 milyong Pinoy sadlak sa hirap – POPCOM
UMAABOT na sa 26 milyon ang mga Filipino na sadlak sa hirap o nasa ilalim na ng tinatawag na “poverty line”. Sa Laging Handa press briefing, tinukoy ni Commission on Population (POPCOM) Undersecretary Juan Antonio Perez III ang pag-aaral na ginawa ng Philippine Statistics Authority ukol sa kahirapan sa Pilipinas kung saan ikinumpara […]