• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gastos ni ex-PRRD para makadalo sa EJK probe handang sagutin ng House Quad Comm leaders

PAYAG ang mga lider ng Quad Committee ng Kamara de Representantes na sagutin ang gastos sa pamasahe at akomodasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dumalo lamang ito sa pagdinig kaugnay ng mga kaso ng extrajudicial killing sa kanyang war on drugs campaign.

 

 

Handa umanong magpatak-patak sina Quad Comm overall chair Robert Ace Barbers, at mga co-chairman na sina Dan Fernandez, Bienvenido “Benny” Abante Jr., at Joseph Stephen “Caraps” Paduano, vice chair Romeo Acop, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., at Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez para hindi maging hadlang ang gastos sa pagdalo ni Duterte sa pagdinig sa Nobyembre 7.

 

 

“If finances are truly an issue, we’re ready to cover his travel and accommodations ourselves. This is about the people’s right to know the truth about alleged abuses in his administration’s anti-drug operations,” sabi ni Rep. Barbers.

 

Sa nakaraang panayam, sinabi ni Duterte na wala itong panggastos kaya hindi nakadalo sa pagdinig ng Quad Comm.

 

 

Ang hindi pagdalo ni Duterte ay ikinalungkot ng mga kongresista gaya nina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, House Assistant Majority Leaders Jay Khonghun ng Zambales at Paolo Ortega ng La Union, na nagsabi na maaaring natatakot si Duterte sa mga tanong kaya hindi ito dumalo.

 

 

Sa nakaraang pagdinig, sinabi ni Paduano, chair ng Committee on Public Accounts, na maaaring intensyonal ang hindi pagdalo ni Duterte.

 

 

Pero sa sumunod na sulat ni Delgra sinabi nito na nagdesisyon ang dating Pangulo na huwag dumalo dahil hindi na umano ito kailangan matapos siyang humarap sa pagdinig ng Senado at gagamitin lamang umano ito ng Kamara upang siya ay makasuhan.

 

 

Sinabi ng mga lider ng Quad Comm na seryoso sila na nais matanong si Duterte upang malaman ang katototohanan.

 

 

Ayon kay Acop anv kahandaan ng mga lider ng komite na gumastos ay isang pagpapakita na nais ng mga ito na makapagsagawa ng malalim na imbestigasyon para malaman ang katotohanan.

 

 

Iginiit naman ni Gonzales ang kahalagahan ng pagkakaroon ng transparency. “We’re willing to support Duterte’s travel and accommodations for him and his entourage if that’s what it takes. It’s our duty to ensure those responsible are held accountable,” sabi nito.

 

 

Naniniwala naman si Suarez na mahalaga ang testimonya ni Duterte sa pagdinig.

 

 

Sa kabila ng paulit-ulit na imbitasyon, hindi dumalo si Duterte sa pagdinig ng Quad Comm pero nakadalo ito sa pagdinig ng Senado sa unang imbitasyon pa lamang nito. (Vina de Guzman)

Other News
  • Mga taga-MM na pupunta ng Tagaytay City kailangan pa ring kumuha ng travel pass-Malakanyang

    PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang mga residente ng  Metro Manila na kailangan pa rin nilang kumuha ng travel pass mula sa  Philippine National Police kung pupunta ng  Tagaytay City.   Ang Tagaytay City ang itinuturing na top tourist destination sa Cavite province.   Suportado ng Malakanyang ang pahayag ni Joint Task Force COVID Shield commander Police […]

  • P6.37M in TUPAD wages benefit over 1,000 workers in Ormoc City

    Ormoc City – A total of P6.37 million in wages have been recently paid to some 1,419 informal sector workers in Ormoc City as the Department of Labor and Employment continues to intensify implementation of its Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.     The wage payout was led by Labor Secretary Silvestre […]

  • Kahit may pagkakataon dahil dumalo sa ‘GMA Gala 2023’: VICE GANDA, ‘di nagawang lapitan ang nilait na award-winning host na si JESSICA

    HINDI nagawang lapitan ni Vice Ganda ang award-winning host na si Jessica Soho kahit may pagkakataon ito noong dumalo ito sa GMA Gala 2023.     Inamin ni Vice na kinakabahan siyang dumalo sa GMA Gala 2023 dahil bukod sa iisipin ng ilan na s’ya ay gatecrasher at makapal ang mukha, sampung taong rin kasi […]