• March 20, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga taga-MM na pupunta ng Tagaytay City kailangan pa ring kumuha ng travel pass-Malakanyang

PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang mga residente ng  Metro Manila na kailangan pa rin nilang kumuha ng travel pass mula sa  Philippine National Police kung pupunta ng  Tagaytay City.

 

Ang Tagaytay City ang itinuturing na top tourist destination sa Cavite province.

 

Suportado ng Malakanyang ang pahayag ni Joint Task Force COVID Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar,  na iginiit na kailangan ang  travel authority matapos ihayag ng Tagaytay City government  na hindi na ito  requirement.

 

Ang Metro Manila ay kasalukuyan ngayong nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) habang ang  Cavite ay nasa ilalim naman ng modified general community quarantine (MGCQ).

 

“MGCQ to MGCQ travel, hindi kinakailangan ng travel pass but the local government unit may still impose it. GCQ to MGCQ, kinakailangan ng travel pass,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

 

“Mga taga-Metro Manila na nais pumunta ng Tagaytay, kinakailangan n’yo pong kumuha ng travel pass at bago kayo mabigyan ng travel pass ng PNP, kinakailangan mag-presinta po kayo ng medical certificate,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, unti-unti nang nagsisibalikan ang mga turista sa Tagaytay City matapos ianunsyo ng city government na tumatanggap silang muli ng mga bisita magmula nang isailalim ang lungsod sa modified general quarantine noong September 1.

 

Pinaalalahanan ng City Administrator na si Engineer Gregorio Monreal na kailangang sundin ng mga turista ang minimum health protocols gaya ng physical distancing at pagsusuot ng face mask.

 

“’Yung mga gustong pumunta sa Tagaytay ay hindi natin puwedeng mapigilan, welcome sila sa atin pero kailangan nilang sumunod sa minimum public health standard. Bagamat ang ating guidelines ay nasa quarantine protocols pa rin tayo, pero ‘yung mga gustong pumunta sa Tagaytay ay hindi natin mapipigilan,” ani. Engr. Monreal.

 

Aniya, mayroon pa ring mga checkpoints sa entry at exit points ng lungsod subalit hindi oobligahin ang mga bisita na magprisinta ng travel pass. Ang kailangan lang ay mag-fill-up ng health declaration form.

 

Naglabas ng memorandum si City Mayor Agnes Tolentino noong September 1 para sa guidelines na dapat sundin ng mga establisimyento, mga tanggapan, public transportation, religious groups at mga barangay.

 

Kailangan umanong sundin ang mga health standards at protocols upang maproteksyunan ang mga workers at turista.

 

Pinapayagan ang mga hotel na mag-operate ng hanggang 50% capacity nito. Kailangang kumuha ng certification at accreditation mula sa Department of Tourism ang mga hotel bago makapag-operate.

 

Ang mga pribadong sasakyan ay papayagang maglabas-masok sa Tagaytay kung sinusunod ng mga pasahero nito ang physical distancing.

 

Inaasahan na sa muling pagbubukas ng pinto ng Tagaytay para sa mga turista ay makababawi na ang city government at mga negosyanteng nawalan ng kita dahil sa pandemya. (Daris Jose)

Other News
  • Hot meat, nabubulok na karneng manok nasabat

    NAHARANG ng City Veterinary Office ang isang van na naglalaman ng higit sa 3,000 kilong nabubulok at mishandled na karneng manok sa labas ng Cogon market, Cagayan de Oro City, kahapon (Miyerkules) ng umaga.   Nakasilid ang karne sa mga supot.   Higit 1,000 kilo ng karneng manok ay nangangamoy at halos nabubulok na, habang […]

  • Executive order para sa Emergency Use Authorization ng COVID-19 vaccines, pirmado na ni Duterte

    TININTAHAN na ni  Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kautusan na nagbibigay ng pahintulot sa Food and Drug Administration na payagan ang emergency use ng COVID-19 vaccines at treatments.   Nakasaad sa Executive Order No. 121 na pinahihintulutan si  FDA Director General Eric Domingo na maglabas ng Emergency Use Authorization (EUA) sa drug at vaccine makers. […]

  • Jeff Goldblum Explains Grandmaster’s Role in the Upcoming MCU Sequel, ‘Thor: Love and Thunder’

    JEFF Goldblum recently explained the Grandmaster’s role in the upcoming MCU sequel, Thor: Love and Thunder.     The highly-anticipated film finds the titular character picking up the pieces of his life shortly after the events of Avengers: Endgame. With Thanos defeated and Asgard destroyed, Thor (Chris Hemsworth) travels with the Guardians of the Galaxy […]