Gawilan bigo sa medalya
- Published on September 2, 2021
- by @peoplesbalita
Isinara ni national para swimmer Ernie Gawilan ang kanyang kampanya sa Tokyo Paralympic Games na walang nakamit na medalya.
Pumuwesto si Gawilan sa ikaanim sa heat 2 ng men’s 100-meter backstroke S7 sa inilista niyang 1:21.60 at minalas na makapasok sa finals kahapon sa Tokyo Aquatics Center.
Bigo rin siyang makaabante sa finals ng men’s 200-meter individual medley habang nakalangoy siya sa finals ng men’s 400-meter freestyle at tumapos sa sa ikaanim
“Medyo nahirapan si Ernie sa 400-meter freestyle yesterday (Linggo). He was three seconds off his personal best in the backstroke,” sabi ni swimming coach Tony Ong sa tubong Davao City.
Minalas ding makaabante sa finals si Gary Bejino nang pumang-pito sa heat 1 sa kanyang itinalang 36.14 segundo at ika-14 sa kabuuang 16 swimmers sa men’s 50m butterfly S6 classification.
“I believe that Gary’s time of 36.14 seconds is his personal best if I am not mistaken,” ani Ong. “Nagbago kami ng stroke because of the new rule in the butterfly event.
Lalangoy pa siya sa men’s 400m freestyle S6 sa Huwebes at sa men’s 100m backstroke S6 sa Biyernes.
-
‘NCR MAYORS, NAIS ANG ‘STABLE DECLINE’ SA COVID-19 CASES BAGO HUMIRIT NG MGCQ’
NAIS umano munang makita ng mga alkalde sa Metro Manila na tuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 bago irekomendang ibaba na ang rehiyon sa Modified General Community Quarantine (MGCQ). Sa ngayon kasi ay pinalawig ng Inter-Agency Task Force ang General Community Quarantine (GCQ) status ng Kalakhang Maynila hanggang sa katapusan ng […]
-
NGCP, binawi na ang red alert sa Luzon power grid; yellow alert , nananatiling nakataas
BINAWI na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang red alert status na inilagay nito sa Luzon power grid , araw ng Sabado. Ang pagbawi sa red alert ay nangyari ng alas- 5:30 ng kamakalawa. Sa isang kalatas na ipinalabas ng Department of Energy (DOE), itinaas ng NGCP ang […]
-
Lee maangas ang workout, sasabay pa rin sa mga bata
PAMBIHIRA magpakondisyon sa ngayon si Philippine Basketball Association (PBA) star Paul John Dalistan Lee ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok. Pinagpepreparahan ng 31-anyos, 6-0 ang taas na Angas ng Tondo ang 46th PBA 2021 Philippine Cup na balak umpisahan sa darating na Abril 9 makaraan ang Online 36th PBA Draft 2021 sa Marso 14. […]