GCash nagbabala laban sa gambling apps na ginagamit sa phishing
- Published on June 17, 2023
- by @peoplesbalita
ILANG gambling sites at apps na ginamit para sa account takeovers sa pagdami ng phishing scams kamakailan ang natuklasan sa isinagawang imbestigasyon ng National Privacy Commission (NPC) at ng nangungunang mobile wallet GCash.
Dagdag pa, ilang influencers ang maaaring hindi sinasadyang isinulong ang mga gaming apps na ito na hindi batid ang fraudulent nature nito.
Dahil dito ay mahigpit na binalaan ng GCash ang mga user nito na lubos na mag-ingat sa pag-access sa online gambling sites at apps, at iwasan ang mga ito kung maaari.
Sa pinakabagong eskemang ito, ang mga salarin ay lumikha ng gambling apps habang nagpapanggap na accredited ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Nililinlang ng mga apps na ito ang mga user sa pamamagitan ng verification process, nire-redirect sila sa pekeng GCash website o payment page para sa betting credits. Mula roon ay nagagawang ma-access ng mga fraudster ang mga sensitibong impormasyon tulad ng credit card details, passwords, GCash numbers, MPINs, OTPs, at iba pang personal data na maaaring magamit para magkaroon ng unauthorized access sa user accounts.
“The trust and safety of our customers remain our top priority which is why we are relentless in ensuring the public is made aware of phishing scams related to online gambling. This goes hand-in-hand with our own world-class security features and innovations that gives our users additional layers of protection against evolving threats,” pagbibigay-diin ni GCash Chief Technology and Operations Officer Pebbles Sy.
Noong nakaraang buwan ay inanunsiyo ng mobile wallet company ang pakikipagtulungan nito sa iba’t ibang law enforcement agencies upang imbestigahan ang napigilang phishing attempt na naayos ng GCash cybersecurity team sa parehong araw na na-monitor nila ang insidente. Natunton ng internal investigation ng GCash ang phishing link sa fraudulent messages na nagpapanggap bilang SIM card registration.
“Our intensified collaboration with law enforcement authorities will continue to expose these scams, but we encourage everyone to join this crusade by staying informed about phishing,” dagdag ni Sy.
Patuloy na nakikipagtulungan ang GCash sa mga awtoridad, kabilang ang Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation, at Cybercrime Investigation and Coordinating Center.
Muling pinaalalahanan ng GCash ang mga user na kailanman ay huwag i-share ang kanilang MPIN o OTP sa iba at iwasang i-click ang unknown links mula sa websites, emails, o messaging apps.
Para sa tulong, maaaring tumawag ang mga user sa PNP-ACG sa kanilang hotlines sa (02) 8414-1560 o 0998-598-8116, o via email sa acg@pnp.gov.ph.
Para mag-report ng scams at iba pang fraudulent activities, ang mga user ay maaari ring bumisita sa official GCash Help Center sa app o sa help.gcash.com, i-message si Gigi at i-type ang “I want to report a scam.” Maaari ring tumawag ang mga customer sa official GCash hotline sa 2882 para sa mga katanungan at iba pang concerns.
-
Top 10 priority list ng PDEA Pro MIMAROPA, nabitag sa Caloocan
ISANG lalaki na kabilang sa top 10 priority list ng PDEA Pro MIMAROPA at listed bilang High Value Individual (HVI) ng Oriental Mindoro Provincial Police Office ang nasakote ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado bilang si John Paul Villafuerte alyas […]
-
PBBM, nagpaabot ng pagbati sa Barangay, SK-elect officials; pinaalalahanan ang mga ito na maging “tapat at taus-pusong” magsilbi sa nasasakupan
NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga bagong halal at re-elected barangay and Sangguniang Kabataan (SK) officials sa katatapos lamang na halalan, araw ng Lunes. Pinaalalahanan niya ang mga ito na maging tapat at taus-pusong magsilbi sa kanilang nasasakupan. Sa isang video message, umaga ng araw ng Martes, Oktubre 31, binigyang […]
-
Ilang mga laro sa MLB kinansela matapos magpositibo ang ilang players
Maraming mga laro sa Major League Baseball (MLB) ang kinansela dahil sa pagpositibo ng mga ilang mga manlalaro at staff. Naapektuhan dito ang laban ng Miami Marlins sa Baltimore Orioles sa Florida at ang laban ng Philladpelphia Phillies at New York Yankess sa Pennsylvania. Ayon sa MLB , minabuti nilang kanselahin ang mga […]