• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GCash tiniyak na ‘walang nanakaw’ na pera sa users, maibabalik din sa accounts

SINIGURO  ng mobile wallet at online payment service na GCash na mababalik din sa mobile users ang perang nawala sa kanilang account ngayong hapon — ito matapos magulat ang marami sa mga ‘di inaasahang pagkakalipat ng pondo.

 

 

No. 1 trending sa Twitter ang GCash ngayong Martes matapos ang maraming unauthorized “successful fund transfers” papunta sa ibang bangko mula sa naturang app simula pa Lunes. Hindi ma-access ang app ngayon.

 

 

Nawalan tuloy nang libu-libo ang maraming netizens. Marami sa kanila ay napunta raw ang pera sa isang Asia United Bank Corporation o East West Bank account.

 

 

“Nag-conduct kami ng investigation. In fact, until now, we’re still coordinating doon sa ating partner bank. But what we are trying to say is there no fund loss,” wika ni Gilda Maquilan, vice president for corporate communications ng GCash sa panayam ng TeleRadyo kanina.

 

 

“Doon sa  na-inconvenience, etong amount mare-reflect dun sa kanilang accounts. Wala po[ng nawawala]. Bigyan kami ng until 3 p.m. today, eto ay mare-reflect back sa kanilang mga accounts.”

 

 

Naglalabasan sa ngayon ang screenshots ng bank transfers papunta sa ilang account ng AUB na nagtatapos sa 3008. Ang ilang netizens nawalan pa anila nang halos P50,000.

 

 

Meron ding mga lumalabas na destination bank accounts ng East WEst Bank na nagtatapos naman sa numerong 5239 o 5249.

 

 

Humingi din nang tawad si Maquilan sa tagal ng kanilang system maintenance matapos ang insidente. Sa kabila nito, tiwala naman daw silang babalik sa normal ang lahat mamayang hapon.

 

 

Tinitingnan pa raw kanila kung anong mga hakbang ang dapat gawin sa ngayon. Hindi pa niya masabi talaga na GCash mismo ang problema.

 

 

“Hindi po natin masasabi ‘yan [na na-hack] at this point. Pero kung ano po ‘yung preventive maintenance na pwede nating gawin ngayon to ensure na ‘yung funds po ng ating customers ay maibabalik ay gagawin po namin ‘yan,” dagdag pa ng GCash official.

 

 

“Kaya din po kami nakikipag-ugnayan sa AUB at East West so that we will come up with an immediate resolution and findings kung ano po ‘yung nag-transpire.”

 

 

Iginigiit naman ngayon ng grupong Digital Pinoys, isang network ng digital advocates, na agad makapagkasa ng imbestigasyon ang gobyerno at maibalik ang pera. Ito’y bukod pa sa “loan amnesty” na maaari raw ipatupad.

 

 

Inirereklamo rin daw kasi ngayon nang marami ang paggamit ng ibang tao sa kanilang Gloan at Gcredit.

 

 

“GCash should forgo the charges incurred by account holders if it will be proven that the transaction is unauthorized,” sabi ni Ronald Gustilo, national campaigner ng nasabing grupo.

 

 

“They should also reimburse the hard-earned money of the subscribers that was lost because of the heist. It is GCash’s duty and responsibility to their clients to keep the money stored in their app safe.”

 

 

Pangamba tuloy ng grupo, maaaring mabiktma pa raw ang mas marami kung hindi kikilos nang mabilis ang gobyerno. Bukod sa East West at AUB, dapat na rin daw makialam ang Bangko Sentral ng Pilipinas para masilip ang mga involved accounts.

 

 

Dagdag pa nila, sana’y maging wakeup call daw ito sa GCash na ayusin ang kanilang security at verification features upang hindi na ito maulit pa lalo na’t hindi raw ito ang unang beses na nangyari ito. (Daris Jose)

Other News
  • Ads October 25, 2024

  • Mas matinding sitwasyon ang kakaharapin ng Phl kung ‘di ipatupad ang ECQ sa NCR – Concepcion

    Tama ang ginawa ng private sector na imungkahi ang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) dahil kung hindi ay mahaharap sa mas malaking hamon ang Pilipinas bunsod ng banta ng Delta coronavirus variant, ayon kay presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion.     Mas ninais aniya ng private sector na irekomenda sa pamahalan na Agosto […]

  • Get ready for the ultimate hunt as Marvel’s iconic villain comes to life in ‘Kraven the Hunter’

    GET ready, Marvel fans! The wait is almost over as the thrilling origin story of one of Marvel’s most fearsome villains, Kraven the Hunter, is set to hit Philippine cinemas on December 11.         Featuring the magnetic Aaron Taylor-Johnson in the titular role, this film promises to be a roller-coaster of action, […]