GCQ sa NCR at Bulacan, extended
- Published on June 16, 2021
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Lunes, Hunyo 14 ang ekstensyon o pagpapalawig ng General Community Quarantine (GCQ) classification sa National Capital Region at Bulacan mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021.
“Some restrictions shall, however, be observed and applied in the abovementioned areas,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Inilagay naman ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga lalawigan ng Laguna, Cavite at Rizal sa Region 4-A sa GCQ “with heightened restrictions” mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021.
Ang iba pang lugar na nasa ilalim ng GCQ mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021 ay Baguio City, Kalinga, Mountain Province, Abra, at Benguet sa Cordillera Administrative Region; Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A; Iligan City sa Region 10; Davao del Norte sa Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato, at South Cotabato sa Region 12; at Lanao del Sur at Cotabato City sa BARMM.
Samantala, ang mga lugar naman na inilagay sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021 ay City of Santiago at Cagayan sa Region 2; Apayao at Ifugao sa Cordillera Administrative Region; Bataan sa Region 3; Lucena City sa Region4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Naga City sa Region 5; Iloilo City at Iloilo sa Region 6; Negros Oriental sa Region 7; Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, at Zamboanga del Norte sa Region 9; Cagayan de Oro City sa Region 10; Davao City sa Region 11; at Butuan City, Agusan del Sur, Dinagat Islands, at Surigao del Sur sa CARAGA.
“All other areas shall be placed under Modified General Community Quarantine (MGCQ) starting June 16 to June 30, 2021,” ayon pa rin kay Sec. Roque.
Samantala, inaprubahan naman ni Pangulong Duterte ang extension ng travel restrictions na ipinatupad sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman simula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021. (Daris Jose)
-
Gobyerno handa na sa pagbabakuna
Tiniyak kahapon ng Malacañang na nakahanda na ang gobyerno sa gagawing pagbabakuna laban sa COVID-19 sa susunod na linggo. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang unang batch ng bakuna mula sa COVAX facility ay darating sa kalagitnaan ng Pebrero. Ilang tulog na lang aniya ay magsisimula na ang vaccination drive […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 7) Story by Geraldine Monzon
NAGSIMULANG mangamba si Angela nang makitang tumataas ang tubig sa labas. Silang dalawa lang ni Bela sa bahay dahil nakauwi na sa sarili niyang bahay si Lola Corazon hatid ni Mang Delfin. Tinawagan niya si Bernard. “Hello, sweetheart, mas mabuti pa siguro kung umuwi ka na lang bago pa lumaki […]
-
Sinampahan ng kaso ni Sandro, may apela sa publiko: NIÑO, humihingi ng dasal at nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta
MATAPOS na isiwalat ng GMA sa kanilang official statement na pormal nang nagsampa ng reklamo si Sandro Muhlach są network laban kina Jojo Nones at Richard Cruz na hindi na idinetalye ang nilalaman nito, ay pinarating ang abogado ng daalwang independent contractors. Ayon kay Atty. Garduque, na iniulat ng “24 Oras” noong […]