GCQ SA NCR,BULACAN, CAVITE, LAGUNA AT RIZAL
- Published on March 22, 2021
- by @peoplesbalita
BUNSOD ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 ay napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ipatupad ang mga bagong hakbang sa mga lugar nasa ilalim sa General Community Quarantine (GCQ) mula ngayong araw, Marso 22 hanggang Abril 4.
Una na rito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay ang pansamantalang sinususpinde ang operasyon ng driving schools, traditional cinemas, videos at interactive game arcades, mga silid aklatan o mga library, archives, museums at cultural events, limitadong social events at sa mga accredited establishments na inaprubahan ng Department of Tourism (DoT) at limited tourist attractions maliban sa open-air tourist attractions.
Ang pangalawa naman ay magiging limitado sa essential business gatherings at 30 percent venue capacity ang mga meeting, incentives, conferences at exhibitions events.
Ang pangatlo naman ay kailangan na mag-observe ng maximum 30 percent ng venue capacity ng walang pagtutol o objection mula sa lokal na pamahalaan ang mga religious gathering.
“Binibigyan discretion din ang mga lokal na pamahalaan na taasan ang venue capacity ng hindi lalampas ng 50 percent base sa mga kondisyon sa kanilang mga lugar,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Ang pang-apat ayon kay Sec. Roque ay binabawasan ang venue capacity ng mga dine-in restaurants, cafes, personal care services sa maximum 50 percent capacity.
Habang ang panglima naman ay hinihiyakat ang mga ahensya ng pambansang pamahalaan na ipagpaliban muna ang non-critical activities kung saan magkakaroon ng mga pagpupulong-pulong o mass gatherings.
Bukod dito ay sinusupinde ang mga operasyon ng sabong at sabungan.
“Bawal po ang sabong sa mga sabungan. Kasama sa suspensyon ang mga lugar sa ilalim ng MGCQ,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Ang pakiusap ni Sec. Roque sa publiko ay antabayanan lang ang ilalabas na operational guidelines ng ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa mga hakbang na kanyang nabanggit.
Samantala, kahapon din aniya sa pagupulong ng IATF ay inaprubahan din ang tinatawag na rekomendasyon ng National Task Force against Covid-19 Task Force Group Recovery Cluster on the Priority Groups A4 the National Covid-19 Vaccine Deployment Plan na nakabase sa “necessity of the service provided for the public at level of exposure.”
Ang mga nasa A4? aniya ay ang mga frontine personnel na nasa essential sectors.
“Niratipikahan din ang rekomendasyon ng NTF Technical Working Group kung saan kabilang dito ang ang Memorandum Circular no. 5 na inissue ng NTF Against Covid -19 na kung inyong matatandaan ay aking inanunsyo noong Miyerkules. Ito ay inadopt with modifications,” ayon kay Sec. Roque.
Una na aniya rito ay ang lahat ng Filipino citizens maging ito man ay Overseas Filipino o Overseas Filipino Workers ay pinapayagang makabalik sa Pilipinas.
Sa unang nilabas na kautusan kasi ng IATF ay tanging OFWs lang ang pinayagan na makapasok sa bansa. Ngayon aniya ay lahat na ng mga filipino.
“Pangalawa, effective March 22, 2021, 12:01 AM hanggang April 21, 2021, 11:59 pm, pansamantalang sinusupinde ang pagpasok ng mga dayuhan. Hindi po kasama ang mga diplomats at mga miyembro ng international organizations, at kanilang dpeendents. Kinakailangan meron silang hawak silang 9(e) visa or 47 (a)(2) visa at the time of entry; mga dayuhan na involved sa medical repatriation na inindorso ng Departmtn of Foreign Affiars, Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs and OWWA. Kinakailangan din na mayron silang valid visa sa time of entry; foreign seafarers sa ilalim ng green lanes program for crew change. Kinakailangan meron silang hawak sila na 9(c) crew visas at the time of entry; mga asawang dayuhan at mga Filipino citizens na bumabyahe kasama nila. Kinakailangan meron silang valid visas at the time of entry; emergency, humanitarian at iba pang mga kaso na inaprubahan ng NTF chair o kanyang represnetative. Kinakailangan meron silang valid visa at the time of entry,” litaniya ni Sec. Roque.
Ang kanya mga binanggit ay “without prejudice sa immigration laws, rules and regulations.”
Meron pa rin aniyang exclusive prerogative ang immigration commissioner na makapagdesisyon sa waiver or recall of exclusion orders ng lahat ng mga dayuhang pinapayagang makapasok sa ilalim ng IATF resolutions subject sa regular reporting sa IATF Secretariat sa katapusan ng bawat calendar month.
Ang pagpasok aniya ay subject rin sa daily limit ng incoming passeners ibinigay ng Department of Transportation.
Sa ibang bagay naman aniya ay nasa kamay pa rin ng lokal na pamahalaan ang oportunidad na magpatupad ng “higher age limit for age-based restrictions” ng mga menor na edad depende sa Covid-19 situations sa kanilang mga lugar.
Ang MMDA ay inatasang mag- facilitate ng pagpapalagay ng reasonable at uniformed exemption ng mga lokal na pmahalaan sa National Capital Region. (Daris Jose)
-
BIR, nakapagsampa ng 84 tax evasion cases sa 1st half ng 2021
Aabot sa P3.15 billion tax liabilities ang inaasahang makokolekta ng gobyerno, kapag natapos ang paghahabol sa 84 na sinampahan ng kaso sa first half ng taong 2021. Iniulat din ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na may 274 firms silang naipasara, para mabawi ang P1.014 billion unpaid taxes. aliban sa mga […]
-
Mas makatutulong lalo na sa mga migranteng manggagawa: ATTY. HONEY QUIÑO, na-inspire kay ARNELL kaya tinanggap ang posisyon sa OWWA
KILALA na si Atty. Mary Melanie “Honey” Quiño sa entertainment industry bilang isang movie producer. Pag-aari niya ang AQ Prime at A & Q Production Films na nakapag-produce na ng mga pelikulang dinirek ni Joel Lamangan, ang “Nelia” at “Peyri Teyl”, ang latest film ni Superstar at National Artist Nora Aunor ang “Ligalig”, […]
-
600-K doses ng Sinovac Covid-19 vaccines dumating na sa Pinas
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalubong sa 600,000 doses na donasyong Sinovac vaccine ng China. Bago pa man mag-alas-5:00 ng hapon ay dumating na sa Villamor Air Base ang convoy ng pangulo. Kasunod nito ang pagtungo sa kinalalagyan ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease (COVID), at doon sila nag-usap ni […]