• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gen. Eleazar, bagong PNP chief

Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Police Lt. Guillermo Eleazar bilang susunod na Philippine National Police chief kapalit ni outgoing PNP chief PGen Debold Sinas, na nakatakda nang magretiro sa Mayo 8, 2021.

 

 

“Eleazar is next Chief PNP,” pagkumpirma ni DILG Secretary Eduardo Año matapos aprubahan ng Pangulo ang appointment nito.

 

 

Sinabi rin ng DILG chief na si Eleazar ang inirekomenda ng National Police Commission (NAPOLCOM) para pumalit kay Sinas base sa seniority nito, merit, reputasyon sa serbisyo at competence para pangunahan ang PNP.

 

 

Kumpiyansa rin si Año na ‘very qualified’ si Eleazar sa naturang posisyon.

 

 

“I expect PLt Gen. Eleazar to lead the PNP Organization to greater heights amidst the pandemic during these challenging times,” aniya pa.

 

 

Una nang sinabi ni Año na isang pangalan lang ang inilagay nila sa listahang ipinadala kay Pang. Duterte upang pagpilian nito na magiging susunod na hepe ng PNP.

 

 

Samantala,  suportado ni retiring PNP Chief, Police General Debold Sinas ang bagong liderato ng PNP at nanawagan sa 220,000-strong police force na suportahan ang bagong Chief PNP na si Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo Eleazar.

 

 

Ngayong Biyernes May 7,2021 isasalin ni Sinas ang kaniyang pwesto kay Eleazar sa isang traditional change of command ceremonies. Si Sinas ay magreretiro na sa serbisyo.

 

 

Pormal na ring uupo bilang ika-26 na PNP Chief si PLt. Gen. Guillermo Eleazar.

 

 

Si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ang siyang magsisilbing presiding officer sa turnover ceremony na gagawin Sa Camp Crame sa Biyernes, alas-2:00 ng hapon.

 

 

Anim na buwang pamumunuan ni Gen. Eleazar ang PNP bago ang kanyang pagreretiro sa kanyang ika 56 na kaarawan sa Nobyembre 13 ng taong ito.

 

 

Ayon kay Sinas, ang mahalaga ngayon ay magkaroon ng continuity of command para i sustain ang momentum at ipagpatuloy ang institutional programs and policies na kaniyang sinimulan.

 

 

Aniya, sa loob ng anim na buwan tiwala siya na accomplished ng PNP ang misyon nito.

 

 

Sina Sinas at Eleazar ay kapwa miyembro ng illustrious PMA “Hinirang” Class of 1987 at ang dalawang miyembro ng PNP Command Group sina PLTGEN Joselito Vera Cruz, the 3rd in command bilang The Deputy Chief for Operations, at si PLTGEN Israel Ephraim Dickson ang 4th in command bilang The Chief Directorial Staff.

 

 

Grumadweyt si Eleazar ng Cum Laude at Top 4 ng PMA Class 1987.

 

 

Si Eleazar ay tubong Tigkawayan, Quezon at anak ng World War II veteran.

 

 

Pagka graduate nito sa PMA agad siya na assign sa Southern Luzon, nadestino din siya bilang CIDG chief ng Central Luzon at Central Visayas.

 

 

Naging commander ng PNP Anti-Cybercrime Group, QCPD Director, Calabarzon RD at NCRPO.

 

 

“I urge you to give my classmate, Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo T Eleazar, the same 100 percent support you gave during the past six months under my watch,” Sinas said on the heels of his retirement on May 8, 2021 when he shall reach the mandatory retirement age of 56 years old,” pahayag ni Sinas. (Daris Jose)

Other News
  • Ads May 1, 2024

  • Kapitbisig sa Pag-unlad MPC, naiuwi ang Cooperative Awards for Continuing Excellence sa GGK 2022

    LUNGSOD NG MALOLOS – Sa lahat ng natatanging mga kooperatiba sa lalawigan, naiuwi ng Kapitbisig sa Pag-unlad MPC mula sa bayan ng Pandi ang pinakamataas na parangal na Cooperative Awards for Continuing Excellence sa isinagawang Gawad Galing Kooperatiba 2022 sa pangunguna ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng […]

  • Olympic gold medalist Hidilyn Diaz dinapuan ng COVID-19

    DINAPUAN ng COVID-19 si Tokyo Olympic gold-medalist weightlifter Hidilyn Diaz.     Sa kanyang Instagram account, ay nagpost ito ng larawan ng kaniyang COVID-19 test result.     Pinayuhan nito ang mga fans na sumunod sa ipinapatupad na health protocols.     Nakatanggap na rin ito ng COVID-19 booster shots noong Enero 4 sa Quezon […]