Gentoleo, Navarro matitibay ang tuhod
- Published on March 12, 2020
- by @peoplesbalita
TINANGHAL na mga tigasin sina Joseph Gentoleo at Cherryl Navarro ng kapwa Team Amihan na hari’t reyna sa katatapos na Manila-Bataan 102-Mile Endurance Run 2020 na nilargahan sa Zero Kilometer Post ng Luneta Park sa Maynila at humimpil sa Zero Kilometer Death March Marker sa Mariveles, Bataan.
Ang race cut-off time ay 36 na oras, pero binagtas ng tubong Iloilo na residente ng Parañaque na si Gentoleo, 35, ang makasabog-baga’t makabali-tuhod na karerahan sa loob ng 27 oras at 57 minuto para sa men’s division title. Lumanding na pangalawa sa kawani ng Leslie Corporation sina Ildebrando Yap (30:19) at Gerrit James Galvez (30:20).
Sa women’s side sa event na pinakawalan sa ganap na alas-10:00 nang gabi noong Biyernes, Pebrero 6 at natapos nitong alas-10:00 nang umaga ng Linggo, Marso 8, ang may katulad oras ni Gentoleo na si Navarro, 40, ng Bataan ang nagwagi.
Mga dumaan sa Metro Manila, Bulacan at Pampanga, sorpresa ang panalo ni Navarro dahil sa unang 100 milya pa lang niya karipasang ito.
Sumegunda at tumersera sa kanya sina Maica Santiago (30:10) at Irene Buyuccan (32:40). Ito’y inorganisa ng Endurance Challenge Philippines kung saan ang race director ay si Jonjon Alegre.
Nasa 24 na ultramarathoner ang tumugon sa starting gun at 20 ang finishers. Apat ang mga hindi pinalad na tapusin ang arangkadahan.
-
PDu30 kumbinsido, byahe ng mga suki ng LRT magiging mabilis na
KUMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magiging mabilis na ang biyahe ng mga mananakay na suki ng Light Railwyay Transit (LRT). Ito’y matapos na pangunahan ni Pangulong Duterte ang inagurasyon ng Light Railwyay Transit Line 2 East Extension Project, itinuturing na isa sa hallmarks ng “strong commitment” ng pamahalaan na magbigay ng mas […]
-
COVID-19 testing backlogs sa PH, naipababa sa halos 1,700 – DOH
Masayang ibinalita ng Department of Health na naibaba na nila kasama ang iba pang accredited na COVID-19 laboratories ang testing backlogs sa mas mababa sa 2,000 sa kabila ng mga problemang kinahaharap. “So we have a total of about 1,691 backlogs as of 6 p.m. yesterday,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa virtual […]
-
Pamimigay ng relief goods sa mga biktima ng bagyo sa Bulacan, patuloy
LUNGSOD NG MALOLOS- Tuluy-tuloy ang pamamahagi ng relief goods at iba pang ayuda sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando sa mga bayan at lungsod na nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa lalawigan. Nitong Disyembre 11, may kabuuang 150,489 na pamilya na ang napagkalooban ng food packs na naglalaman ng bigas, delata at instant na kape na nagsimula noong […]