GEOFF, palaging galit na galit sa eksena kaya ang ‘OA’ ng dating ng acting; dapat magpaturo kina MICHAEL at GINA
- Published on September 29, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI ba napapansin ng tatlong director ng FPJ’s Ang Probinsyano na sina Coco Martin, Malu Sevilla at Albert Langitan ang masamang acting ni Geoff Eigenmann?
Aba eh lagi na lang siyang galit na galit sa mga eksena niya. Kaya ang OA tuloy ng dating niya.
Hindi ba niya alam ang restrained style of acting? Magpaturo kaya siya sa nanay niya na si Gina Alajar o sa daddy niya na si Michael de Mesa kung paano ang tamang timpla ng acting?
Sino kaya sa tatlong director ng Ang Probinsyano ang naka-assign sa mga eksena ni Geoff? May mga ibang teleserye naman siya na maayos ang pagganap niya pero dito sa action series ni Coco ay over the top ang acting niya.
Laging siyang parang nanggigil. Sad to say, hindi effective huh?
Aba kung hindi aayusin ni Geoff ang acting niya, baka siya na ang susunod na karakter na mamamatay sa FPJAP.
***
COMEBAACK directorial assignment ni Shandii Bacolod ang Love at the End of the World.
The last time nagdirek siya was ten years ago. Isinulat niya ang script nito as film three years ago. Pero last year ay nag-decide siya na i-rewrite ang script as a series.
An ode to loliness kung ilarawan ni Shandii ang pelikula. Dahil masyadong malapit sa puso niya ang kwento kaya he decided na siya ang magdidirek nito.
Bida sa pelikula sina Rex Lantano, Kristof Garcia, Mike Liwag, Gold Azeron, Nico Locco, Markki Stroem, Khalid Ruiz, Yam Mercado at Elijah Filamor.
“It is an adult queer story which happens sa last seven days of the earth. Sana magustuhan ng mga tao ang kakaibang kwento na ito,” pahayag ni Shandii.
***
CONGRATULATIONS sa lahat ng mga nagwagi sa Star Awards for Movies.
Masaya kami para sa panalo nina Sylvia Sanchez at Alden Richards who took home top acting honors.
Congrats din kina Maricel Laxa at Ricky Davao who won Best Supporting Actress at Best Supporting Actor respectively.
Gusto rin naman batiin ang PMPC dahil kahit na pandemya ay nakagawa sila ng paraan para maidaos ang awards night nila.
At hindi lang isa kundi tatlong awards night dahil may Star Awards for TV at Music pa.
(RICKY CALDERON)
-
Senado, Kamara nag-convene na sa P5.768 trillion national budget
SINIMULAN na ng bicameral conference committee ang pagtalakay sa P5.768 trillion na 2024 national budget para pagkasunduin ang kanya-kanyang bersyon ng Senado at Kamara. Pinayuhan ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara, head ng Senate contingent sa bicam, ang mga mambabatas na gampanan ng mahusay ang kanilang mga tungkulin sa ilalim ng […]
-
Serantes bumalik sa pagamutan
NAGBALIK sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City ang 1988 Seoul Summer Olympic Games men’s boxing bronze medalist na si Leopoldo Serrantes dahil sa dati at matagal na niyang karamdamang pulmonya at sa sakit sa puso. Pinabatid ng Philippine Sports Commission ang kalagayan ng 58-anyos at may taas na 5-2 na bayani ng […]
-
DBM, inilunsad ang ‘Angat local PH’ para sa devolution info
INILUNSAD ng Department of Budget and Management (DBM), kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG), at Presidential Communications Operations Office (PCOO), ang “Angat Lokal PH’ Facebook page para ikasa at masimulan ang “awareness at information campaign on devolution” ng pamahalaan. Ang ‘Angat Lokal PH” FB page ay official social media platform […]