Giant company, malabong makabalik sa negosyo kahit bigyan pa ng 5k prangkisa ng Kongreso
- Published on January 20, 2021
- by @peoplesbalita
MALABONG makabalik sa negosyo ang isang giant company kahit bigyan pa ito ng prangkisa ng Kongreso kung hindi naman nito aaregluhin ang tax dues.
“Maski na bigyan ninyo ng limang libong franchise ‘yan, hindi i-implement ‘yan… Just because you gave them franchise, it does not follow that all of their misdeeds in the pasy are condoned,” ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.
“Wala akong galit, bayaran mo lang ang gobyerno, sasaludo ako sa inyo limang beses,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Hindi naman pinangalanan ni Pangulong Duterte ang nasabing kompanya subalit matatandaang noong Mayo ng nakaraang taon ay ipinag-utos ng National Telecommunications Commission sa ABS-CBN Corporation na itigil ang operasyon ng iba’t ibang TV at radio stations sa buong bansa alinsunod sa expiration ng legislative franchise nito.
Matatandaang, buwan ng Hulyo nang hindi na paboran ng mga kongresista ang pagbibigay ng prangkisa ng ABS-CBN.
Sa resolusyon ng House Committee on Legislative Franchises, iminungkahi nito na hindi bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.
Mula rito ay nagbotohan ang mga kasapi ng komite kung sila ay pabor o hindi sa naturang resolusyon.
70 mga kongresista ang pumabor na hindi bigyan ng prangkisa ang ABS- CBN habang 11 ang tutol sa mungkahi.
Ang 11 mambabatas na tumutol ay sina:
* Bienvenido Abante Jr, Manila 6th District
* Carlos Isagani Zarate, Bayan Muna party-list
* Christopher De Venecia, Pangasinan 4th District
* Edward Vera Perez Maceda, Manila 4th District
* Gabriel Bordado Jr, Camarines Sur 3rd District
* Jose “Ping-Ping” Tejada, North Cotabato 3rd District
* Lianda Bolilia, Batangas 4th District
* Mujiv Hataman, Basilan
* Sol Aragones, Laguna 3rd District
* Stella Luz Quimbo, Marikina 2nd District
* Vilma Santos-Recto, Batangas 6th District
2 naman ang nag-inhibit habang 1 ang nag-abstain.
Dahil sa desisyon, walang apela na magagawa ang ABS- CBN sa Kamara dahil walang ganoong hakbang sa rules.
Sa susunod na 19th Congress kung saan iba na ang Pangulo at iba na ang Speaker of the House ay maaari muling mag-apply ng panibagong prangkisa ang ABS- CBN.
Nauna nang sinabi ni House Speaker Alan Cayetano na conscience vote ang paiiralin sa pagboto sa franchise.
Samantala, habang nagaganap ang botohan, isang caravan naman ang ginawa ng mga ABS- CBN supporters sa labas ng Batasang Pambasa.
Kabilang sa mga Kapamilya artist na sumama sa caravan sa labas ng Gate 1 ng Batasang Pambansa sina Piolo Pascual at Kathryn Bernardo.
Maaalalang nag-expire ang prangkisa ng ABS- CBN noong May 4, 2020 sa gitna ng nararanasang banta ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa pamunuan ng ABS-CBN nag-aplay sila ng panibagong prangkisa noong taong 2014 ngunit napending lamang ito sa 16th, 17th, at 18th congress. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Black box mula sa bumagsak na eroplano sa Indonesia, narekober ng mga otoridad
Kumpiyansang umano ang mga navy drivers na mari-retrieve nila ang dalawang flight recorders sa bumagsak na pampasaherong eroplano sa Indonesia sa tulong ng mga narekober na black boxes. Magugunita na biglang nawala sa radar ang Sriwijaya Air Boeing 737 noong Sabado na patungo sana sa Borneo. Lulan ng naturang eroplano ang 62 katao kung […]
-
Pinas, pinag-aaralang mabuti ang “best booster shot” para sa Sinopharm vaccinees
HINIHINTAY pa rin ng gobyerno ng Pilipinas ang data na gagamitin para sa rekomendasyon ng “best booster shots” para sa mga indibidwal na nakatanggap ng Sinopharm coronavirus vaccines bilang initial doses. Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na wala pang sapat na impormasyon mula sa mga manufacturers ng bakuna […]
-
Ikatlong paghaharap nina McGregor at Poirier plantsado na
Inanunsiyo ni UFC star Conor McGregor na ang trilogy nila ni dating UFC interim lightweight champion Dustin Poirier. Sa kaniyang Instagram, sinabi nito na ang tapos na ang kontrata para sa ikatlong paghaharap nila. Gaganapin aniya ang laban sa Hulyo 10. Unang naglaban ang dalawa noong 2014 kung saan […]