Gierran, may hanggang Disyembre para ‘linisin’ ang PhilHealth – Palasyo
- Published on September 19, 2020
- by @peoplesbalita
Binibigyan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ng hanggang Disyembre ang bagong upong pinuno ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) na si Dante Gierran para linisin ang umano’y kurapsyon sa ahensya.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, titingnan umano ng Pangulong Duterte kung makakaya ba ni Gierran, na dating hepe ng National Bureau of Investigation, na malinis ang hanay ng PhilHealth bago nito ikonsidera ang pagbuwag o pagsasapribado sa state health insurer.
“The deadline given to Attorney Gierran is a deadline to clean up the organization. File all the cases that need to be filed, suspend, terminate, whatever you need to do in order to cleanse the ranks of PhilHealth,” wika ni Roque.
“Hindi naman po ibig sabihin na ang termino niya ay hanggang doon lamang.”
Una rito, nakipagpulong ang presidente kina Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Alan Peter Cayetano kung saan isa sa mga natalakay ang mga kontrobersiyang bumabalot sa PhilHealth.
Ayon kay Sotto, siya raw ang nagrekomenda sa Pangulo na i-review muna ang pamumuno ni Gierran bago magpasya ang pagbuwag o pag-privatize ng ahensya.
Matatandaang nangako si Gierran na tutugunan nito ang isyu ng katiwalian sa PhilHealth sa loob ng dalawang taon.
“Sigurado ‘yan, kakayanin. Kakayanin ko talaga ‘yan,” ani Gierran. (Ara Romero)
-
Kaso ng ‘labor abuse’ sa mga food delivery riders, pinaaaksyunan
Nanawagan si Sen. Risa Hontiveros sa Department of Labor and Employment (DOLE) na agad imbestigahan at aksyunan ang mga napabalitang insidente ng “labor abuse” laban sa ilang food delivery riders sa bansa. “Nananawagan ako sa DOLE na aksyunan agad ang hinaing ng ating delivery riders na nakararanas ng panggigipit sa mobile app operators. […]
-
PDu30, tiniyak ang tapat, mapayapa at kapani-paniwalang halalan sa Mayo 2022
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Filipino na sisiguraduhin ng kanyang administrasyon ang tapat, mapayapa at kapani-paniwalang halalan sa May 9, 2022. Idagdag pa rito ani acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pagsasagawa ng electoral exercise na ganap na aayon o susunod sa requirements ng Konstitusyon at batas. […]
-
Ads January 7, 2020