• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Giit na walang nangyaring plundemic sa govt funds: Sec. Roque, niresbakan si Senador Pacquiao

KAAGAD na binutata ng Malakanyang ang tila pinauuso ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao na salitang “plundemic” o plunder sa public funds habang patuloy na nakikipaglaban ang pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

 

Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, walang nangyaring pandarambong sa public funds sa panahon ng covid-19 pandemic.

 

Sinabi kasi ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao, sa pagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee hearing na ang paggasta ng pamahalaan sa Covid-19 funds, ay isang uri ng “plundemic,” o plunder sa panahon ng pandemiya.

 

Tila ipinamukha ni Sec. Roque kay Pacquiao ang ipinalabas na paglilinaw ng Commission on Audit (COA) ukol sa natuklasan nitong “deficiencies” sa pamamahala ng Department of Health (DOH) sa pandemic funds ay hindi kapani-paniwalang may bahid ng korapsyon.

 

“Well, nagkaroon na po ng paglilinaw dito ang COA. Sa kaniyang report po sa DOH, hindi po niya ever sinabi na ever nagkaroon ng pandarambong. So, wala pong ‘plundemic’ na sinasabi ,” anito.

 

Idinaagdag pa ni Sec. Roque na ang COA’s 2020 audit report sa DOH ay nagbibigay diin lamang sa kabiguan ng departamento na hawakan P67.32 bilyong piso na Covid-19 response funds.

 

“Ang sinasabi nga po ng COA, nais nilang magkaroon ng linaw kung bakit ‘yung ilang mahahalaga pong salapi na ibinigay sa DOH ay hindi nga po ginastos ,” aniya pa rin.

 

Kahapon, araw ng LUnes ay sinabi ni Pacquiao sa isang panayam na “mismanaged” ang Covid-19 response efforts ng gobyerno bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.

 

Naniniwala si Pacquiao, na ang Covid-19 pandemic ay hindi pa nareresolba dahil na rin sa patuloy na paglala ng situwasyon sa bansa.

 

Ang buwelta naman ni Sec. Roque, hindi nakakagulat ang pahayag ng senador lalo pa’t malapit na ang halalan sa bansa.

 

“Hindi po ako nagtataka na iyan ang kaniyang pakiramdam dahil panahon na po ng politika,” anito.

 

Nag-ugat ang hind pagkakaunawaan sa pagitan nina Pacquiao at Pangulong Duterte nang sabihin ng una ang kanyang alegasyon na may korapsyon laban sa ilang opisyal ng pamahalaan.

 

Nagpahayag din si Pacquiao ng hangarin nitong tumakbo sa pagka-pangulo sa Eleksyon 2022.

 

Tila tinuruan naman ni Sec. Roque si Pacquiao, nang sabihin niya rito na ang presensiya ng maraming nakahahawang Delta coronavirus variant ang naging dahilan kung bakit sumirit ang Covid-19 infections.

 

“Ang totoo po niyan, ang problema, si Delta variant because it is five to eight times more infectious. So talagang dadami po ang mga kaso natin  diing pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Sa bonggang music video ng “Nasa Atin ang Panalo”: SB19, BINI, SunKissed Lola, Flow G at Puregold, nagsanib-puwersa

    MATAPOS ang ilang linggo ng pagtaas ng antisipasyon at pagpapatikim sa mga kanilang mga social media, inilabas na ng Puregold ang music video ng bagong kantang “Nasa Atin ang Panalo.”           Ipinakita nito noong Mayo 25, karapat-dapat na panoorin ng mga fan ng Pinoy Pop ang music video. Tinodo ang kolaborasyon […]

  • Ngayong pinasok na ang pagiging producer: LOVI, grateful sa support na nakukuha sa Regal Films

    GUMAGANAP na Atty. Alexis Miranda si Lovi Poe sa pelikulang ‘Guilty Pleasure’ kasama bilang leading men sina JM de Guzman at Jameson Blake, at sina Dustin Yu, Angelica Lao at Sarah Edwards.   Mula ito sa direksyon ni Connie Macatuno at panulat ni Noreen Capili.   Palabas na ito sa mga sinehan, mula sa Regal […]

  • PBBM, nakikita ang progreso sa “fishing talks” sa pagitan ng Pinas at China

    MAY nakikitang progreso si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa “fishing talks” sa pagitan ng Pilipinas at China sa kabila ng kamakailan lamang na ulat na may isang Chinese navy vessel ang bumubuntot sa BRP Francisco Dagohoy mula Pag-asa Island at pabalik ng Palawan.     Ang nasabing insidente ay nangyari noong Biyernes, June 16,2023.   […]