• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas gagapang na parang ahas sa SEA Games 3-peat crown

Dadaan sa butas ng karayom ang Gilas Pilipinas women’s basketball team para sa kauna-unahang misyong three-peat championship sa 32nd Southeast Asian Games 2023 sa Mayo sa Cambodia.

 

 

Siniwalat ito ni national coach Petrick Henry Aquino sa Philippine Sportswriters Association Forum na mga hatid ng San Miguel Corporation, MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, at Philippine Amusement and Gaming Corporation nitong Martes.

 

 

“Yung ibang teams na nakikita ko like Indonesia has been recruiting so much, ang Vietnam meron silang twin sisters na galing sa States (Kayleigh and Kaylynne Truong), and Malaysia now has an Australian coach,” sey ng Gilas Pilipinas women’s project director din sa Forum sa Rizal Memorial Sports Complex conference room sa Malate, Manila.

 

 

“Kaya kailangan nating maging handa at subukang panatilihin ang gintong iyon para sa atin,” hirit pa ni Aquino.

 

 

Tumapos ang Pinay quintet at Indonesians sa magkatulad na 4-1 record sa Hanoi SEA Games noong summer, pero ang 93-77 win ng una sa huli ang pagpakipkip ng gintong medalya sa PH una via winner-over-the other rule. (CARD)

Other News
  • P500 monthly ‘ayuda’ , iro-roll out bago matapos ang termino ni PDu30

    TARGET ng gobyerno na  i-rollout ang ipalalabas na P500 monthly cash aid  para sa mga low income families  bago matapos ang termino ni Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte ngayong buwan.     Sa isang panayam, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD)  spokesperson Director Irene Dumlao na nagpalabas ng  joint memorandum circular  ang Department […]

  • Marami siyang resibo kung pagtulong ang pag-uusapan: VILMA, naging biktima rin ng paninira sa kasagsagan ng bagyong Kristine

    BIKTIMA rin ng paninira ang Star for all Seasons at magbabalik gobernador ng Batangas na Vilma Santos-Recto.   Ginawan ng isyu na Hindi man lang nagparamdam si Gov. Vi sa kanyang mga constituents nung kasagsagan ng bagyong Kristine.   İsa kasi ang Batangas sa malaking naapektuhan sa katatapos na Bagyo.   Sa totoo lang, bago […]

  • Dickel, mananatiling coach pa rin ng Gilas – SBP

    Mananantili pa ring interim head coach ng Gilas Pilipinas si TNT active consultant Mark Dickel.   Ito ay matapos na pagdedesisyunan pa ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) kung sino ang ilalagay nilang permanenteng coach ng national basketball team.   Sinabi ni SBP executive director Sonny Barrios, na mananatili pa rin si Dickel hanggang wala […]