• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas inilusot ni Belangel

Pormal nang inangkin ng Gilas Pilipinas ang tiket para sa 2021 FIBA Asia Cup Championships sa Agosto sa Indonesia.

 

 

Salamat na lamang sa buzzer-beating three-point shot ni point guard SJ Belangel.

 

 

Ang triple ni Belangel ang nagtakas sa 81-78 panalo ng Nationals laban sa mga South Koreans sa third at final window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Clark, Pampanga.

 

 

Ito ang ikaapat na sunod na ratsada ng Gilas at kauna-unahan laban sa South Korea matapos ang walong taon para banderahan ang Group A ng qualifiers.

 

 

Kinailangan ng Natio­nals na bumangon mula sa 17-point deficit, 16-33, sa second period para agawin ang 54-52, sa 1:48 minuto ng third quarter sa pamumuno nina Dwight Ramos at 7-foot-1 Kai Sotto.

 

 

Itinala ng Gilas ang 78-75 abante mula sa basket ni naturalized player Angelo Kouame sa huling 10.5 segundo ng fourth period na sinundan ng triple ni star guard Lee Hyun Jung para itabla ang Korea sa 78-78 sa nalalabing 2.9 segundo.

 

 

Kasunod nito ay ang kabayanihan ni Belangel, tumapos na may 12 points para sa tropa ni coach Tab Baldwin.

 

 

Pinamunuan ni dating PBA import at naturalized player Ricardo Ratliffe (Ra Gun-A) ang mga Koreans (2-1) sa kanyang 24 points at 15 rebounds.

 

 

Sa unang laro, tinalo ng China ang Japan, 66-57, sa Group B.

 

 

Sa Amman, Jordan, humataw si NLEX guard Jericho Cruz ng 20 points para tulungan ang Guam sa 112-66 pagmasaker sa Hong Kong at itala ang 2-1 record sa Group C katabla ang Australia at New Zealand na hindi lumahok sa third window.

Other News
  • ESTUDYANTE MALUBHA SA BALA

    ISANG 17-anyos na estudyante ang nasa malubhang kalagayan matapos barilin ng tatlong teenager sa naganap na riot ng dalawang magkalabang gangs sa Malabon city.     Isinugod ng kanyang ina sa Tondo Medical Center subalit, kalaunan ay inilipat sa Philippine Orthopedic Center kung saan patuloy na ginagamot ang biktima na itinago sa pangalang “Roger” ng […]

  • KASO NG COVID SA MPD, UMABOT NA SA 77

    UMABOT na sa 77 ang kaso ng tinamaan sa Covid 19 sa hanay ng kapulisan ng Manila Police District matapos itong madagdagan .       Ayon kay  MPD chief Police Brig. Gen. Leo Francisco na  karamihan sa mga pulis na nagpositibo sa sakit ay mula sa  MPD station 11 sa Binondo.       […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 8)

    ISANG hindi inaasahang pagbaha dahil sa bagyo ang naranasan ng mga taga San Gabriel partikular ang mga taga- Villa Luna Subdivision na siyang naging sentro ng malaking baha. Habang ang mag-inang Angela ay kapwa takot na nilalabanan ang lupit ng kanilang kapalaran sa bawat agos ng tubig, si Bernard naman ay matapang na hinaharap ang […]